Kilala ang mga Pinoy sa pagiging Family Oriented, yung hanggang sa ka apo-apohan pa sa tuhod ay nananatili pa rin sila sa iisang bubong at namumuhay ng masaya.
Ngunit sa paglipas ng oras at panahon, kasabay ng pag-usbong at pag-unlad ng teknolohiya at siyensya, tila nawawala na rin ang magagandang kaugalian ng pinoy. Kaliwa’t kanang mga balita ang ating naririnig patungkol sa mga inabandonang matatandang magulang na kung saan-saan nalang naninirahan.
You May Also Read:
Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.
Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita.
Isa na rito si Lolo, na sa kanyang edad at katandaan, nakuhang palayasin di umano ng kanyang sariling anak at sa ngayon ay wala syang patutunguhan at palaboy-laboy nalang sa daan.
Ayon sa post ni Araman Lat, nasa Balibago Sta. Rosa si Tatay at may iniindang sakit at nangangailangan ng tulong.
Taga Batangas daw talaga si Tatay, kaya lang siya napadpad sa Laguna ay pinalayas siya ng kanyang mga anak.
Makikita sa larawan ang matanda na umiiyak dahil sa kanyang kalagayan ngayon dahil sa pagpapalayas sa kanya ng kanyang anak.
Narito ang kabuuang post ni Araman Lat sa kanyang Fb account,
Bka po may nkka kilala kay taytay.sya po ai tga batangas.sya daw po ai pinalayas ng kanyang anak.sya po ai may skit ngyon andto po sya sa Balibago sta rosa laguna.pa share nlng po ..
Matandang may Sakit na Pinalayas Di-umano ng mga Anak, Nasilayang Umiiyak sa Gilid ng Kalsada.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment