Service Crew, Napaiyak sa Duty Matapos Sigaw-sigawan ng Customer.

Isang service crew sa Jollibee ang umiyak matapos itong sigaw-sigawan at murahin ng isang customer.

Isa sa mga popular na trabaho ay ang pagiging isang service crew sa mga fastfood chains. Dahil madali lamang makapasok dito kahit na part time job lamang.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita.

Madalas ay mga working students ang pumapasok sa ganitong uri ng hanapbuhay. Ngunit hindi madali ang pagiging service crew.

Minsan ay pagod na nga sila dahil maghapong nakatayo, nalilipasan pa ng gutom, ngunit hindi ito alam ng karamihan sa mga customers.

Ang mga katulad nilang nagtatrabaho sa food industry ay madalas sigawan, maliitin, kutyain at awayin.

Katulad na lamang ng isang service crew na napaiyak na lamang matapos umanong sigaw-sigawan ng kanyang customer.

Sa Facebook post ng netizen na Zari Frillez, Ibinahagi nito ang larawan ng babaeng crew habang tila pinupunasan ang mga luha nito.

Ani Zari, sana raw ay malaman ang plate number ng customer na bumastos sa crew upang matauhan ang mga ito.

Sa ngayon ay umabot na sa 16k reactions at 15k shares ang post ni Zari.

Narito ang kabuuang post ni Zari Frillez sa kanyang Fb account,

Shoutout sa kostomer sa drive tru ng Jollibee kumintang (Batangas) na may plate number na ••• 744 di lang namen nakuha ung letter sa plate number pero may CCTV naman ung drive thru ng Jollibee, na Sinigaw-sigawan si ateng naka duty sa drive thru na walang nagawa kundi mapaiyak at mag sumbong samen. Di nyo alam kung gaanong pagod ang ginagawa ng mga taong to sa ganitong oras at panahon para makapag trabaho ng maayos tas babastusin at mumurahin nyo lang. Sana malaman ung buong plate number nyo at matauhan kayo ng mahulasan kayo sa ginawa nyo. May kasama kapang babae jan sa sasakyan mo di kaman lang pinigilan. Nahabag talaga ako kay ate.



Service Crew, Napaiyak sa Duty Matapos Sigaw-sigawan ng Customer.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment