Bawat tao ay may kanya-kanyang talentong ibinigay ang Panginoon, marahil ay hindi pa na diskubre ng iilan sa atin kung ano nga ba iyon. Mayroong mga pinagpala at pinaghusayan ng lubos kaya naging mas tanyag sa nasabing larangan.
You May Also Read:
Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.
Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita
Katulad na lamang ng binatang ito na kinilala kay John Jeff Camasis, 19 taong gulang na mula sa Barangay Labawon, Camarines Sur.
Naging trending kamakailan ang kanyang obra na may pamagat na “Leaves 1” talagang marami ang napahanga sa naging kinalabasan ng kanyang ginawa, marami ang napabilib lalo pa at kanyang ibinahagi sa kanyang social media account.
Sa sobrang husay at ganda ng pagkakaguhit ay mapagkamalan mong totoo ang mga dahon na ito, na tila ay katatapos lang mapaliguan ng malakas na ulan.
Kamakailan pa nga ay naging tampok ang obra na ito ni John Jeff sa mga tanyag na mamamahayag at ilang sikat na istasyon.
Laking tuwa at saya naman ng binata ng maitanghal sa mga kilalang balitaan ang talento niyang ito.
Ayon pa sa Facebook post ni John Jeff, ilang buwan niyang pinagpaguran at pinagpuyatan ang kanyang obra bago ito tuluyang matapos.
Nang tanungin ang binata tungkol sa kaniyang naging inspirasyon upang maiguhit ang larawan, nasabi na lang niya na ito ay naglalarawan ng mga pagsubok at pinagdadaanan ng bawat isa sa atin ngayon.
Mapapansin na ang ilang mga dahon ay nauubos at nasisira na dahil sa pagkain ng mga uod. Ngunit sa kabila ng mga ito ang mga dahon ay patuloy na umuusbong at nagpapatuloy sa pamumuhay kahit hindi na ito buo.
Napakaganda ng kanyang iba pang gawa at talagang may malalim na dahilan sa bawat larawang kanyang pinipinta at binibigyang kulay katulad ng mga pagsubok natin sa buhay. Wag mawalan ng pag-asa dahil sa bawat umaga may panibagong buhay at panibagong pag-asa.
Tignan: Obra ng Binatang CamSur, Naging Tanyag dahil sa Angking Ganda at Husay niya sa Pagguhit.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment