Netizen, Sobrang na Dismaya nang Makakain ng Tumigas na Mantika na Akala niya ay Ice Cream.

Maging mapanuri at mapagmatyag mga kababayan sa laman ng ating refrigerator. Dahil isang netizen ang lubhang inis na inis dahil sa pagkadismaya ng makain ang frozen na mantika na kanyang napagkamalang ice cream.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Dahil nga nakalagay ang mantika sa lalagyan ng ice cream, buong akala ng netizen na nagngangalang Kristine, ay totoong ice cream ito. Ayon sa kanya, bihira lamang umano sa kanila ang magkaroon ng ice cream sa bahay kaya excited na excited itong kumain nang makita ang isang tupperware ng ice cream sa loob ng kanilang ref. Ngunit, naiyak na lamang sa inis si Kristine nang hindi pala ice cream kundi tumigas o frozen na mantika ang laman nito.

Netizen, Dismayado Nang Hindi Ice Cream Kundi Frozen na Mantika Pala ang Kanyang Nakain

Dismayadong aniya pa ni Kristine, bakit daw kasi sa dami ng lagayan ay sa tupperware pa talaga ng ice cream inilagay ang naturang mantika at ang mas nakakainis pa, inilagay pa talaga ito sa ref kung saan, mas aakalain ng sinuman na mukhang ice cream nga ang laman nitong mantika.

Netizen, Dismayado Nang Hindi Ice Cream Kundi Frozen na Mantika Pala ang Kanyang Nakain

Kaya naman, hindi napigilan ng netizen na maiyak sa inis dahil dito at agad ibinahagi sa Facebook ang nangyaring ito sa kanya. Nagbahagi pa ito rito ng larawan ng kinain niyang mantika na akala niya ay ice cream kasama ng kanyang naiiyak na larawan.

Netizen, Dismayado Nang Hindi Ice Cream Kundi Frozen na Mantika Pala ang Kanyang Nakain

“YUNG EXCITED NA EXCITED AKO MANGAIN NG ICE CREAM PERO ISANG SUBO KO PA LANG NAGTAKA AGAD AKO KUNG BAKIT LASANG CHICHARON!!!!

“KUNG SINO MAN NAGLAGAY NG MANTIKA NG BABOY SA LAGAYAN NG ICE CREAM. WAG MO MUNA AKO KAUSAPIN!” ani pa nito sa kanyang viral na Facebook post.

Sinabayan niya pa ito ng mga hashtag na ‘leche buena’ at ‘pighati’ habang damang-dama ang inis sa pagkain niya ng mantika na inakala talaga nitong ice cream. Kaya naman, aliw na aliw dito ang mga netizen na tawang-tawa sa nangyari kay Kristine.

Kaya bilang aral sa atin, wag agad maniwala sa mga lalagyan na nandyan sa loob ng inyong mga ref baka ma scam kayo at magsisisi din katulad ni Kristine. Goodvibes naman ang hatid nito sa mga netizen na nakabasa ng kanyang post.



Netizen, Sobrang na Dismaya nang Makakain ng Tumigas na Mantika na Akala niya ay Ice Cream.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment