4 na Taong Gulang na Batang Babae Muntikan ng Mabulag Dahil sa Labis na Paggamit ng Gadget.

Ang mga makabagong gadget ay may mabuting naidudulot sa bawat isa sa atin,katulad ng mga cellphone, laptop, tablet, computer at iba pang katulad nito. Subalit ang paggamit nito ay dapat nasa tamang oras at wag malabis.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Sabi nga nila, lahat ng sumusobra ay hindi na maganda ang naidudulot. Katulad sa nangyari sa isang batang babae na ito na muntikan nang malagay sa peligro ang kalagayan ng kanyang mata.

Ito ang kwento ni Dachar Nuysticker Chuayduang, isang Thai, ayon sa kanya nung dalawang taong gulang palang ang kanyang anak na babae ay binigyan niya na ito ng iPad.

Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag niya na binigyan niya ng gadget ang kanyang anak para panatilihin siyang abala habang siya ay nagtatrabaho.

Ngunit ikinasama naman ito ng bata sapagkat sa edad na apat, ay kinailangan na niyang magpa-opera sa mata dahil sa naging problema nito sa paningin.

Ayon sa doktor,ang anak na babae ni Dachar ay may tinuturing na “lazy eyes” – mga mata na hindi sabay na gumagana, dahil ang isang mata ay gumagana nang mas epektibo kumpara sa isa. Bilang resulta, hindi lang pagkawala ng paningin ang dinadanas niya, pati na rin ang pagkakaroon ng “squinty eyes.”

Pagkatapos maoperahan, nagamit na ng anak ni Dachar nang sabay ang pareho niyang mata. Ipinagbawal na din sa kanya ang paggamit ng smartphone, iPad, computer at pati telebisyon.

Sapagkat ang ilaw na inilalabas ng mga gadget na ‘to ay ang naging dahilan ng pagkasira ng kanyang mata kung saan kinailangan niyang sumailalim sa operasyon.

Inaasahan ni Chuayduang na magsilbi itong aral para sa ibang mga magulang at kanilang mga anak na hindi maranasan ang nangyari sa kanyang anak na babae.



4 na Taong Gulang na Batang Babae Muntikan ng Mabulag Dahil sa Labis na Paggamit ng Gadget.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment