Netizen na ABANGERS, Kinain ang Order na Pagkain ng Jowang Nag-aaway.

Sa araw-araw nating paglalakbay ay makakasalamuha tayo ng iba’t-ibang tao, may mga matatanda, bata, trabahante,magkaibigan at magjowa.

Hindi rin lingid sa atin na makasaksi ng mga pag-aaway ng magjowa sa publikong lugar, pero wala tayong karapatan na makisali sa kanilang pinagdadaanan basta’t walang sakitan na nagyayari sa kanilang pagitan.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Nakakalungkot man isipin, subalit isa itong pagsubok sa bawat magkarelasyon kung gaano nga ba sila katatag. Malungkot nga itong pangyayari, subalit naging positibo naman para sa isang taong ito.

Ayon sa isang Facebook page na “Naga City TV” kung saan nakapost ang di nakikilalang netizen na nakasaksi umano sa pag-aaway ng isang couple sa isang sikat na fast food chain. Umorder na raw ng pagkain ang magkasintahan, subalit nag-away nga sila.

Ang ending tuloy, umalis ng naturang fast food chain ang magkasintahan. Naiwan ang kanilang mga ‘di nagalaw na pagkain. Nagkataon namang “abangers” ang naturang netizen. Matapos matiyak na hindi na babalik ang mag-jowa, kinain na lamang niya ang mga pagkain nila! Kaysa nga naman maitapon, ‘di ba?

“May nag-away na mag-jowa. Hindi na bumalik. ‘Yun kinain ko. Sarap. Salamat sa mag-jowa,” saad ng netizen. Napa-sana all pa siya at inasam na sana ay laging may nag-aaway para may makakain ulit sa susunod.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ikaw na sakalam kuya! Grabe! paano pala kapag bumalik ang mag-jowa? Babayaran mo iyang lahat hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Tapos bumalik pala sila . Nahiya lang balikan ‘yung pagkain kasi may nakitang makapal na mukha na kumakain ng order hahahaha.”

“Nag-away sila kasi natuklasan nilang may COVID-19 yung isa… oh ano ka ngayon?” pabirong banat ng isa.

Wika naman ng isa, “Ganito na lang gawin natin oh, hanap tayo ng may nag-aaway na mag-jowa para makatipid tayo HAHAHAHA. Tapos pag-uwi natin wala na tayong panlasa.”

“Kung totoo man ito, naku hindi po magandang ginagawa iyan, baka mamaya may virus na ‘yung pagkain, o baka mamaya balikan nila, paano pa sila kakain kung kinain na hahaha,” pahayag naman ng isa.



Netizen na ABANGERS, Kinain ang Order na Pagkain ng Jowang Nag-aaway.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment