May kasabihan nga na kapag ipinanganak kang mahirap, di mo yun kasalanan, pero kung namatay kang mahirap, kasalanan mo na yun. Dito kasi sa mundo, dapat ay pasipagan tayo at pagalingan ng diskarte upang mabuhay at magtagumpay.
You May Also Read:
Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
Hindi basehan ang kagandahan ng mukha, katalinuhan ng tao para umasenso. Dahil maraming taong hindi nakapagtapos at hindi nakatuntong sa kolehiyo pero umangat ang buhay dahil sa pagsisikap at diskarte sa buhay.
Kagaya na lamang ng lalaking ito na isang Youtube Vlogger na na e feature pa sa programa ng “Kapuso mo Jessica Sojo”.
Ang dating pananaw na ang pamumuhay niya at ng kaniyang pamilya ay mananatiling nakalubog, ngayon ay napalitan na ng pag- asa mula nang makita niya ang mga bunga ng kaniyang pag pupursige sa kaniyang mga vlogs.
Siya ay si Mark Joseph Cunanan o mas kilalang Macki Motto na mayroong 142,000 subscribers. Saad niya, nang makatapos siya ng high school ay nag desisyon na siyang makipag-sapalaran sa Maynila para makapag ipon ng pera para sana sa kaniyang inaasam na motor.
Ngunit hindi siya nagtagumpay pagkat ang kaniyang sahod ay napupunta lamang sa pambayad sa upa.
Bumalik siyang muli sa Nueva Ecija at doon siya nag trabaho bilang tricycle driver at construction worker habang ang kaniyang mag- iina ay naiwan naman sa Maynila.
Hindi pa din naging sapat ang kaniyang pera pang tustos at makaipon kaya naman ginawa niya ang “Ipon Challenge” sa kaniyang vlogs ngunit mas sumikat siya nang sinimulan niyang ivlog ang kaniyang totoong pamumuhay sa probinsya kagaya ng pagtatanim at pagluluto
Ang halaga ng kaniyang unang sahod ay eksaktong P48,458. Sa kasalukuyan ay kumikita siya ng 40,000- 50,000 pesos lang naman.
Ngayon, nakaka ahon na silang mag-ina sa kanilang buhay. Kung nagawa ito ni Mark, maaari ring subukan ng iba sa atin.
Lalaki, Kumikita kada Buwan ng Halos P50k Dahil sa mga Video niya Patungkol sa Buhay Probinsya.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment