Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Naging sikat sa ngayon ang mga vlog/blog kung saan ay malaya ang mga tao na mag -upload ng mga sariling gawang videos para makahakot ng maraming likes at shares, isa sa mga layunin nila ay maging trending o kapupulutan ng aral ng mga makakapanuod.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Ang pagba-vlog ay pwede na ring pagkakitaan, katulad ng mga ginagawa ng mga artista at kilalang mga influencer sa social media.

Samantala, may isang vlogger na kinilala kay Jose Hallorina na kamakailan ay nag viral dahil sa hindi inaasahang gagawin niya sa kanyang vlog na ” Halikan Mo Paa Ko Kapalit ang Pera”.

Sa gilid ng kalye, makikita ang matandang lalaking nag-aalok ng mga gulay na kinilalang si tatay Danilo. Nakaupo lamang ito sa tabi ng kariton nito ng mga paninda, naghihintay ng mga taong bibili.

Nilapitan ito nang naturang vlogger at kinausap. Napag-alaman niya na inaantok na ang matanda dahil mula alas-kwatro pa raw itong gising upang mamili ng iba’t-ibang uri ng gulay, tulad na lamang ng saging, patatas, talong at iba pa.

Mayroong tatlong anak si tatay Danilo, na naiwan umano sa probinsya. Humigit-kumulang tatlong libong piso lamang daw ang mayroon ito para sa puhunan. Sa isang araw nama’y, 16 oras itong nagtitinda.

Magbibigay ako ng tatlong libo pero sa isang kondisyon,” Tukoy ni Hallorina sa pagpapahalik sa paa.

“Bakit ako magpapahalik? Kasi gusto kong maramdaman ano yung pakiramdam na may pera, may kapangyarihan, yung nasa taas ka. Ano kakasa ka ba? Papayag ka ba o hindi?”paliwanag nito.

Hinubad na nang vlogger ang sapatos nito at iminuwestrang papahalikan na ito kay tatay Danilo. Nagulat ang vlogger dahil nakitang pumayag talaga ang matanda sa kaniyang pianapagawa, katumbas ang pera.

“Tay Danilo, naiyak ako, bakit ka pumayag,” tanong nito sa matandang lalaki.

Tugon naman ng huli, puhunan din daw niya ang perang matatanggap mula rito.

Labis umanong nalungkot ang vlogger dahil sa isang reyalidad na nangyayari ngayon sa bansa. Dahil sa matinding hirap na dinaranas ng ilan ngayon sa atin ay kaya nang ipagpalit ang dignidad sa pera.

Sa huli, binigyan na lamang ni Hallorina ng anim na libong piso si tay Danilo, kasama na rin ang bigas, at iba pang pangangailanagan,galing sa UniCare.

Nagpahatid din ng mensahe ang vlogger sa vlog nito, “Mamuhay po tayo na may dignidad at pagmamahal sa kapwa.”



Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment