Sa panahon ngayon na mayroong pandemya, palaging paalala sa atin mula sa mga health experts na panatilihing maging malinis sa katawan at sundin ang mga protocols sa tuwing lalabas ng bahay.
Isa sa mga naging tanging solusyon ng Pamahalaan upang maibsan ang pagkalat ng v1rus ay ang pag obserba ng social distancing na mga isang metro ang layo sa isa’t-isa. Ang pagsuot ng facemask at face shield bilang proteksyon naman sa mga nakakaharap natin sa araw-araw.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Upang hindi mahawa at makahawa sa iba, sinasabing takpan ang ating bibig sa pagbahing gamit ang tissue, panyo o ano pang ibang pantakip laban dito upang hindi makahawa sa iba.
Mayroon namang nahihiya sa pagbahing sa panahong ito dahil napagkakamalang positibo kaagad sa nasabing v1rus kung kaya’t imbes na bumahing ay pilit kinokontrol nila ito na pigilan.
Lingid pala sa ating kaalaman na ang pagpigil pala sa pagbahing ay may hindi magandang pwedeng idulot sa ating katawan.
Ayon sa isang doctor mula Emergency Department ng Britain`s Leicester Royal Infirmary,lumabas sa kanilang pag-aaral na ang pagpigil sa pagbahing ay maaaring makapag dulot ng hindi maganda sa ating kalusugan.
Tulad na lamang ng nangyari sa isang lalaki na nagkaroon ng kakaibang kondisyon matapos makaugalian nito ang pagpigil sa kanyang pag bahing.
Ang lalaki ay 34 taong gulang lamang at ayon dito, sinubukan nitong pigilan ang pagbahing sa pamamagitan ng pag pisil ng ilong at pagtakip ng bibig, na nagresulta sa kakaibang pakirandam sa kanyang katawan.
Matapos ang pangyayaring yun ay napansin nito na nahirapan siya lumunok at nakaramdam ito ng pananakit ng lalamunan. Napansin din nito na nagbago ang kanyang boses.
Dagdag pa nito ay namaga ang kanyang leeg at nakakarinig na ito ng paglagutok sa tuwing igagalaw ang kanyang leeg.
Dahil sa pangyayari ay pinatingin nito agad sa doctor at lumalabas na nagkaroon ng tinatawag na maliit na “streak of air” sakanyang leeg gayundin din sa kanyang “chest compartment” sa pagitan ng kanyang baga.
Ang pwersa ng hangin na dapat palabas noong siya ay dapat na babahing ay bumalik paloob na nagresulta upang ma-damage ang kanyang malambot na tissue sa leeg na tinatawag na “subscutaneous emphysema and pnéum0mediastinum”.
Binigyan agad ng gamot ang lalaki at dahil sa hirap itong kumain ay sa tube muna pinadaan ang kanyang mga kinakain.
Makalipas ang dalawang buwan ay bumalik din ang normal na pakirandam ng lalaki at nakarecover ito.
Lalaking Pinigilan ang Pagbahing, Nagkaroon Ng Kakaibang Kondisyon Sa Lalamunan At Rib Cage Nito.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment