Ang Dating Minamaliit na Kargador na Anak ng isang Kobrador, ngayon ay isa nang Doktor,

Kapag may pangarap dapat ay sabayan rin ng sipag at determinasyon para ito ay talagang maaabot. Sino nga ba naman sa atin ang walang pangarap? subalit iilan lang din ang taong nangarap at natupad ito. Maswerte na lamang kapag ipinanganak kang may mabuting estado sa buhay.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Subalit, walang kapantay naman ang saya kapag nagtagumpay ka na mula sa pawis at hirap mo, na talagang ikaw ang gumawa ng paraan para maabot ito.

Gaya na lamang ng kwento ng buhay ni Johnny Viray. Mula sa napakahirap na buhay na kanyang pinanggalingan at pagtatrabaho bilang kargador, ngayon ay nakamit na ni Viray ang pangarap at isa ng Doctor of Education.

“Ang dating kargador na anak ng isang kobrador, ngayon ay isa nang doktor,” panimula pa ni Viray sa kwento ng kanyang buhay.

Ang nakaka-inspire na kwentong ito ni Viray ay ibinahagi niya sa Facebook group na DepEd Open Educational Resources. Dito, ibinahagi ni Viray kung paanong minaliit ito noon dahil sa kanyang pagkayod sa trabaho habang sinisikap na makapagtapos ng pag-aaral.

Dahil sa hirap ng kanilang buhay, hindi kailanman naranasan ni Viray na maghanda sa kanyang kaarawan noong bata pa lamang ito. Kahit na noong nagtapos ito ng highschool bilang Salutatorian ay walang anumang handa ang kanilang pamilya dahil sa kahirapan ng buhay.

Hindi biro ang pinagdaanan ni Viray maitawid lamang ang high school. Pagbabahagi nito, pumapasok ito noon sa paaralan na tanging kape lamang ang laman ng kanyang sikmura kaya naman, bawat linggo ay nahihimatay ito sa klase.

Sa katunayan, sa sobrang hiya dahil tuwing linggo na lamang ito nangyayari sa kanya, maliban pa sa kanyang mga bayarin sa paaralan na hindi pa nababayaran ay tinangka ni Viray sumuko na lamang at tumigil sa pag-aaral.

Ngunit, isang guro ni Viray ang lumapit sa kanya at pinatatag ang kanyang loob. Mula dito ay ito na rin ang nagbibigay ng pagkain kay Viray upang hindi na ito magutom pa sa pagpasok. Payo daw sa kanya noon ng gurong ito,

“Kung titigil ka kase gutom ka, lalo kang magugutom bukas kung hindi ka mag-aaral; may pag-asa pa.”

Bagama’t maayos na nakapagtapos ng highschool si Viray, panibagong problema na naman ang pagpasok nito sa kolehiyo. Dahil pa rin sa kahirapan ay hindi agad na nakapagkolehiyo si Viray at nagdesisyon na magtrabaho na lamang bilang kargador.

“Naaalala ko non may nagsabi pa sa akin, utusan ka lang, kaya lalo kong ginustong matapos at nakuhang matapos sa kolehiyo bilang Magna Cum Laude,” kwento pa nito.

Ngunit, ipinagpatuloy pa ulit ni Viray ang pagsisikap at pag-aaral hanggang sa hindi na lamang ito isang guro kundi isa nang Doctor of Education matapos nitong magtapos kamakailan lang sa Don Honorio Ventura Technological State University.

Kaya naman, walang pagsidlan ang kasiyahan ni Viray para sa tagumpay na kanyang nakamit sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap nito sa buhay. Ngayon, maipagmamalaki na nito na ang dating minamaliit na kargador, isa na ngayong ganap na doktor.



Ang Dating Minamaliit na Kargador na Anak ng isang Kobrador, ngayon ay isa nang Doktor,
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment