Hair Expert, Ibinahagi ang Masamang Dulot ng DIY na Paraan sa Pagkukulay ng Buhok.

Sa panahon ngayon kung ipinanganak kang hindi maganda at nangangarap na maging ka aya-aya, maraming mga solusyon na sa ngayon ay pwedeng e-apply para lalong gumanda o umiba ang aura.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Plastic surgery ay isa sa mga paraan upang lalong ma enhance ang beauty ng tao subalit may kamahalan ito. Kaya ang ginagawa ng iba para maging maayos ang itsura nila kaysa dati ay nagpapa rebond ng buhok, mula sa kulot sa pagiging straight nito o kaya ay kabaligtaran, dependi sa inyong gusto.

Mayroon ding nagpapa tattoo ng kilay, nagpapa-inject ng gluta para kuminis at pumuti. At kapag hindi naman afford ang presyo may mga tinatawag na DIY o ” Do-It-Yourself” na paraan na mas makakatipid ka nga sa presyo.

Subalit ang pag-aaply kapag nag DIY ay lubhang risky dahil wala kang sapat na kaalaman sa magiging resulta nito kapag hindi tama ang pag-aaply ng nasabing mga kemikal.

Kaya kagaya na lamang sa napabalitang ito na gustong kulayan ang buhok sa DIY na paraan, naging aral sa lahat. Narito ang pahayag ng isang hair expert:

Sa isang Facebook post, ayon sa isang Ruth Pitre ay mayroon di umanong kaakibat na mga hindi kaaya-ayang epekto ang pagdi-DIY o basta-basta na lamang na pagbe-bleach ng buhok.

Ayon sa kanya, bagama’t hindi naman umano siya kontra sa pagdi-DIY lamang ng proseso ng pagbebleach ng buhok, sana raw ay malaman din ng mga ito na hindi dapat ginagawang biro lamang ang naturang proseso.

“WAG PO KASI NATIN GAWING BIRO ANG PAGBI-BLEACH. DI KO KAYO DINIDISCOURAGE MAG-DIY PERO SANA, MALAMAN NYO RIN ANG CONSEQUENCES NG BLEACHING…,” ani pa nito.

Sa kanyang Facebook post, nagbahagi si Ruth ng ilang mga larawan kung saan, ipinapakita nito ang ilan lamang sa mga maaring hindi magandang epekto sa buhok kapag hindi ginawa ng tama at maayos ang proseso ng pagbi-bleach.

Dito, isinaad ng netizen na ilan lamang sa mga maaaring epekto nito ay ang pagkapanot, pagka-kalbo, o di kaya ay ang tuluyan nang hindi pagtubong muli ng buhok ng isang tao. Kaya naman, payo nito sa marami, sana raw ay huwag basta-bastang ipagkatiwala lamang sa kung sino ang kanilang buhok at magtiwala lamang sa mga propesyunal o eksperto rito.

“PWEDE KAYO MAKALBO, MAPANOT. WORSE CASE IS DI NA TUMUBO HAIR KUNG NASIRA NA ANG TISSUES NG SKIN SA SCALP…

“KAYA MAY MGA KAGAYA KONG PROFESSIONAL NA NAG-ARAL DAHIL CHEMICAL PO YAN… INGAT KAYO AND IPAGKATIWALA LANG ANG BUHOK SA LEHITIMONG HAIRDRESSER/HAIRSTYLIST,” dagdag saad pa ni Ruth.

Mayroong iba na siniswerteng maganda ang nagiging epekto sa kanilang buhok ngunit, mayroon ding iba na imbes na gumanda ay problema ang naging dala sa kanila ng ginawa nila sa kanilang buhok gaya na lamang ng pagbi-bleach nito nang sila-sila lamang.



Hair Expert, Ibinahagi ang Masamang Dulot ng DIY na Paraan sa Pagkukulay ng Buhok.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment