May pangyayari na ating nalalaman na tila bang weirdo at mapapatanong tayo kung bakit nga ba nila ginagawa ito? nasa wastong pag-iisip pa ba sila? kung di natin inaalam ang kanilang dahilan, malamang Oo nga ang sagot sa ating mga katanungan.
You May Also Read:
Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
Katulad na lamang po ng isang pangyayari sa Mexico kung saan marami ang napaisip sa ginagawa ng babae sa mga puno. Narito po ang kwento:
Isang babaeng activist si Dolores Leycigi ng Oaxaca, Mexico. Siya ay nagsagawa ng isang mass marriage ceremony kung saan ang kanyang iba pang kasamahan ay magpapakasal sa kanilang napiling punong kahoy para maging agaw atensyon sa illegal logging activity at inaasahang maging paraan ito upang masugpo ang ganitong aktibidad.
Malaking parti ng Mexico ay Kagubatan. Ang Oaxaca ay isa sa limang estado na may malaking epekto ng deforestation na kadalasan ay gawa ng mga kr1minal na grupo.
Ang grupo ng mga kababaihan na ito na pinamumunuan ni Dolores ay sinusubukang gumawa ng paraan laban sa ganitong ilegal na aktibidad at inaasahang ang kanilang isinagawang mass wedding ay maghikayat sa maraming tao na makibahagi sa pagsalba ng kagubatan.
“Marrying a tree is a way of ρrσtєsting, to say that we need to stσρ єχтєrminating Mother Earth every day, every minute, every second,” ayon kay Dolores.
Kahit na ang pagpapakasal sa puno ay hindi nagbibigay ng legal binding dahil sa wala itong kakayanan na magbigay ng consent sa isang kasal, ang organisasyon ni Dolores ay patuloy pa ring kinokonsidera na ito ay isang life time commitment.
“I thought it was very interesting that we have a commitment, not only with this tree, but with all of nature,” saad niya. “I thought about how much we’ve already damaged nature, so I decided to come and get married.”
Nagsimula ang ritwal sa pagpapakasal sa kahoy sa isang organisasyon bilang paraan para magpasalamat sa Inang Kalikasan sa lahat ng kaniyang ibinigay sa tao. Ang seremonya ay naging isang symbolic wedding na naging impluwensiya ng Incan customs.
Grupo ng mga Babae, Nagpakasal sa Puno Dahil sa Malaking Rason na ito na Kanilang Pinaniniwalaan.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment