Raffy Tulfo, Halos Maiyak sa Pagpanaw ng OFW na Humingi ng Tulong Habang Nasa Kalagitnaan Ng Byahe Pabalik Sa Pilipinas

Naging takbuhan na halos ng mga OFW ang programa ni Raffy Tulfo, ito ay dahil sa kaniyang kasikatan na makapagbigay ng agarang tulong lalong lalo na sa mga inaapi nating kababayan abroad.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Isa lamang sa mga OFW na humingi ng tulong sa sikat na mamamahayag na si Raffy Tulfo ay kinilalang si Leonida Morales. Siya ay naka base sa Saudi Arabia.

Si Leonida ay humingi ng tulong upang makauwi sa bansa dahil mayroon pala itong iniindang sakit. Napagdesiyunan niyang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo dahil alam niyang isa ito sa mga maaasahan at makakatulong talaga sa kaniya na makauwi na sa bansa at makasama ang kaniyang pamilya sa mga oras ng hamon ng buhay na dumating sa kaniya.

Hindi naman siya binigo ni Sir Raffy at agad pinaunlakan ang kanyang hiling.Tinulungan naman ng beteranong mamamahayag si Morales na makauwi sa bansa. Gayunpaman, naiulat na pum4naw na nga ang OFW sa kalagitnaan ng kaniyang byahe pauwi ng bansa.

Ayon sa mga kamag-anak ni Morales, nais na daw talaga nitong makauwi dahil na din nga sa s4kit na iniinda. Hindi siya makapagpagamot sa Saudi Arabia dahil mahal umano ang medical treatment doon.

Akala ng karamihan ay magkakaroon na ng happy ending ang kwento ni Morales, gayunpaman, isang nakakalungkot na pangyayari ang nangyari sa OFW na pum4naw habang nasa byahe pauwi ng bansa.

Pinaalam din ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ni Morales ang nakakalungkot na nangyari sa OFW.

Maging ang reporter na nag-cover ng kwento ni Morales ay hindi na din napigil ang kaniyang kalungkutan nang bisitahin niya ang pamilya ng OFW.

Saad ng reporter,

“Mabigat rin po sa loob ko, hindi po natin inaasahan na ‘yun po ang mangyayari dahil noong kausap ko pa po si ma’am sabi ko po sa kanya ay update niyo po ako once na nakalapag kayo, nagme-message din po kami sa kanya.”

Dagdag pa niya,

“Tapos ngayon noong tumawag po samin sa mga staff na yun po ang nangyari, nakikiramay po kami.”

Ang team ni Raffy Tulfo ay nangako naman na tutulungan ang pamilya para makuha ang benepisyo ni Morales mula sa kaniyang dating pinagtatrabahuhan.


About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment