Angel Locsin, Ibinunyag ang Tanging Sanhi ng Biglang Paglaki ng kanyang Katawan.

Kapag naririnig natin ang pangalang Angel Locsin, agad pumapasok sa ating imahinasyon ang napakaganda at seksing sikat na artista na may busilak na kalooban para tumulong sa nangangailangan.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Ngunit kahit gaano ka man kabuti sa iba, may mga tao pa ring mahilig pumuna at maghanap ng mali para sa ika giba ng isang tao. Napabalitang kamakailan lamang ay may larawang sumikat sa social media.

Ang larawang ito ay si Miss Angel Locsin na kung saan makikita ang malaki niyang pangangatawan, salungat sa kung ano man ang nakita natin nuon sa telebisyon.

Nakita ang aktres ng isang netizen sa isang simbahan sa Caloocan City habang nag-shoot para sa kanyang online program.

Dahil sa ngayong pangangatawan ni Angel, hindi maiwasang mag-alala ang kanyang mga taga hanga dahil sa biglaang paglobo ng katawan nito.

Sa kabila ng pagtaba ng aktres, ang karisma at kagandahan ni Angel ay hindi pa rin nagbabago. Maganda pa rin sa loob at labas nito.

Sa katunayan, maraming tao pa rin ang na-starstruck nang makita siya sa publiko habang nagte-taping para sa kanyang programa.

Ngunit ang ilan sa kanyang mga tagahanga ay nagpahayag pa rin ng pag-aalala tungkol sa kalusugan ng aktres.

Ano nga ba ang maaaring naging dahilan ng kanyang pagtaas ng timbang?

Matatandaang taong 2015 nang sumailalim sa operasyon si Angel Locsin upang ayusin ang isang disc bulge sa kanyang spine.

Matapos ang spine injury, kinailangan ni Angel na uminom ng mga gamot upang maibsan ang sakit.

“Noong bumalik ako ng workout, umiyak ako eh.

Naramdaman ko ‘yung mga hindi ko na pwedeng gawin.

Dati kasi feeling mo superhero ka talaga, kaya mong gawin lahat.

Kailangan mong harapin na iba na.

Hangga’t hindi mo natatanggap yon, hindi ka magmo-move forward kasi,” sabi ni Angel.

Kabilang sa mga side effect ng kanyang mga gamot ay ang pagtaas ng timbang.

Walang choice ang aktres, dahil hindi niya pwedeng ihinto ang pag-inom ng gamot dahil makaka-apekto ito ng malaki sa kanyang pang-araw-araw na buhay.

Ang kondisyon ding ito umano ang dahilan ng actres sa pagtanggi sa “Darna” role sa upcoming movie ni Erik Matti. Sana naman ay tuluyan ng gumaling ang aktres at maging matagumpay sa susunod na yugto ng kanyang buhay. Walang imposible kapag inilapit sa Maykapal ang lahat nating hiling.


About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment