Matandang Babae, Hinuli, Iginapos at Sinabuyan ng Asin Matapos mapagkamalang “Aswang”

Mabilis na nagviral ang isang kaganapan mula sa Hinigaran, Negros Occidental. Isang matanda na inakala ng karamihan na isa daw na aswang dahil nakita nila ito sa bubong ng mga residente doon.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Kanilang iginapos ang 58-anyos na ginang at sinaktan, pinagsabuyan pa daw ng asin ng mga taga doon.

“Justice ang aming hinihiling sa hindi makataong ginawa sa aming kamag-anak,” sabi ni Darryl Romano sa kanyang Facebook post.

Ibinahagi ni Daryl ang video kung saan makikita ang isang matandang babaeng nakagapos habang pinagtatawanan ng mga residente.

Nagsimula umano ang lahat nang makita umano ang biktima sa bubong ng mga bahay sa Barangay Gargato ala una ng madaling araw noong Pebrero 3.

Palaisipan naman kay Hinigaran Municipal Police, Capt. Ryan Villasario kung papaano nakapunta sa bubong ang biktima.

Aniya, nalaman lamang nila sa Facebook ang nangyaring insidente.

Pahayag ni Villasario, ibinaba nila mula sa bubong ang matandang babae dahil nakarinig ang mga residente ng lagitik ng yero.

Agad raw na itinali ang babae matapos mapagkamalang “aswang” o magnanakaw.

Mula naman sa Barangay Aranda ang matandang babae, 10 kilometro ang layo mula sa Barangay Gargato kung saan ito nahuli.

Dagdag ni Villasario, iniimbestigahan pa nila ang buong pangyayari at ang mga alegasyon laban sa babae. Ayon naman sa pamilya nito, nakararanas umano ang matanda ng depresy0n magmula nang bawian ng buhay ang asawa nito.

Supernatural Series: Aswang | BakitWhy

Kasalukuyan din nilang hinihintay ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa sila ng kaso laban sa mga residente.

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera



Matandang Babae, Hinuli, Iginapos at Sinabuyan ng Asin Matapos mapagkamalang “Aswang”
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment