Online Seller, Nabisto na Pinapalitan ng Bato ang Cellphone na Itinitinda, May Dahilan Daw Sila.

Naging patok ang online selling sa ngayon dahil na rin asa pandemya, pero maraming mga naitalang report tungkol naman sa mga ilang seller na mapagsamantala dahil imbes na tunay na produkto ang laman ng parcel ay pinapalitan ito ng ibang bagay katulad ng bato. Subalit, may ganito pala talagang pangyayari na inamin mismo ng ilang seller bilang kanilang taktika. Narito ang buong ulat:

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Nabisto ang kakaibang taktika ng isang kompanya na nagbebenta ng mga cellphone sa iba’t ibang online selling platform para magmukha umanong marami ang bumibili sa kanila.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing sinalakay ng mga operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team ang isang bodega sa Paco, Maynila.

Online seller, bistadong pinapalitan ng bato ang cellphone pero 'di raw para sa kostumer | Balitambayan

Dito nakita ang mga bato na naka-bubble wrap at nakalagay sa mga kahon ng cellphone.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay, hepe ng Special Mayor’s Reaction Team, isinagawa nila ang pagsalakay matapos silang makatanggap ng impormasyon tungkol sa umano’y mga cellphone na pinapalitan ng bato.

Pero paliwanag ng tauhan ng kompanya na nasa bodega, hindi naman nila ipinapadala ang mga bato sa kostumer.

Sa halip, ipinapadala raw nila ang bato sa kanila pala para palabasin lang na marami ang kanilang naibebenta na lilitaw sa kanilang online account.

Online seller, bistadong pinapalitan ng bato ang cellphone pero 'di raw para sa kostumer | Balitambayan

Ginagawa raw ito para makahikayat ng mga tunay na buyer.

Ayon sa pulisya, mayroong 36 na accounts sa iba’t ibang online selling platform ang naturang kompanya na nagbebenta ng mga cellphone.

Aalamin naman kung original ang mga cellphone na nakita sa bodega.

Sa kabila ng paliwanag, ipinasara pa rin ang bodega matapos madiskubre na wala silang business at occupational permit.

Sa isang pahayag naman, sinabi ng Lazada na siniseryoso nila ang anumang concern ng kanilang mga seller at customer.

“We have launched and investigation looking into the situation and we will not hesitate to take strong actions against those found involved in illegal activities that are against local laws and company policy,” ayon sa pahayag.

You May Also Read:

Sa Kauna-unahang Pagkakataon, Misteryosong “Well of Hell”Na Kinatatakutan sa Yemen,NAPASOK, May mga D1ablo nga ba at Genie sa Loob?



Online Seller, Nabisto na Pinapalitan ng Bato ang Cellphone na Itinitinda, May Dahilan Daw Sila.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment