Isaw at Fishball Vendor na Minamaliit ng Mga Kapitbahay, Kumikita ng Mahigit 60k Kada Buwan.

May mga tao talagang down to earth o nakapa humble, hindi maaninag sa kanilang mga suot at gamit ang laman ng kanilang wallet. May mga mahihirap na akala mo ay mayaman kung umasta, may mga may kaya naman na nananatiling simple sa buhay.

Kadalasan sa mga ito ay yaong naghahanapbuhay ng marangal at talagang pinagpaguran kung kaya’t binibigyang halaga ang bawat pisong ginagasta.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Ang isa sa pinagkukunang hanapbuhay ng ating mga kababayan ay ang pagtitinda ng streetfoods, marangal na trabaho at unlimited pa ang kita mo dependi sa diskarti at lokasyon mo.

Kadalasan na mga streetfood vendor ay nakaranas ng pangmamaliit sa kanilang kapwa, kesyo madumi daw at piso-piso lang namang ang kinikita.

Ang hindi nila alam ay napakalaki ng kinikita nila sa araw-araw.

Katulad na lamang ng isang fried isaw vendor na kumikita ng dalawang libo mahigit sa isang araw.

Sa Facebook post ng netizen na si Aga Ambita, ibinahagi nito ang usapan ng fried isaw vendor at isang netizen.

Kwento ni Aga, nakita raw niya ang vendor na binigyan ng pagkain ang mag-inang pulubi kaya napabili na rin siya ng isaw.

Habang binibilang ng vendor ang kanyang kinita ay may lalaking nagtanong kung magkano na raw ang kita nito.

Sumagot ang vendor ng, “sir ito po mga 2.4k nag simula lang ako ng tanghali.”

Nanlaki raw ang mata ng lalaki sa kanyang narinig.

Kwento ng vendor, nag-iipon raw siya dahil plano niyang bumili ng motor.

Aniya, pinagtatawanan pa raw siya ng kanyang mga kapitbahay dahil hindi sila naniniwala na kaya niyang makabili ng motor.

Dagdag pa niya, imbes na damdamin ang panlalait ng kanyang mga kapitbahay ay mas lalo pa siyang na-challenge.

“Sabi ko sarili ko nachallenge ako sa kanila. Kung damdamin ko sinasabi nila bibigat lang dibdib ko. Saka hindi nman nila ako pinapalamon,” sabi ng vendor.

Sumabat na rin si Aga sa usapan ng vendor at ng lalaki at sinabing, “alam mo ba kuya malaki pa kinikita mo karamihan ng naka kurbata at maporma sa Makati. Tapos wala ka pa 5 hrs nagtinda. Wala ka po boss. hawak mo pa oras mo.”

Sagot naman ng vendor, na-inspire lang daw siya sa isang kwek-kwek vendor na ngayon ay may sariling kotse at mga motor.

Sa ngayon ay mayroon ng 7.8k reactions at 6.8k shares ang post ni Aga.

Basahin ang buong post sa ibaba:

“Si kuya na naka black sando nakakatuwa sya.

Una napabili ako sa kanya kasi nakita ko na binigyan nya ng pagkain ung mag-inang pulubi.

Tapos mayamaya naglabas sya ng pera mga tig 500 at makapal na tig 100 pesos at ibang bills. binibilang nya ung kinita nya. Nagtanong yung isang lalake.

lalake – brad yan na kinita mo?

Kuya – oo sir. Hiwalay ko na lang tubo.

Lalake – magkano yung sayo Jan?

Hiniwalay ni kuya puhunan nya mga 3k ata yun

Kuya – sir ito po mga 2.4k nag simula lang ako ng tanghali.

Lalake – (nanlaki ang mata)

Kuya – pambili ko po ng NMAX pinagtatawanan ako ng mga kapitbahay namin nagtitinda lang daw ako tapos bibili ako ng motor. Sabi ko sarili ko nachallenge ako sa kanila. Kung damdamin ko sinasabi nila bibigat lang dibdib ko. Saka hindi nman nila ako pinapalamon.

Me – alam mo ba kuya malaki pa kinikita mo karamihan ng naka kurbata at maporma sa Makati. Tapos wala ka pa 5 hrs nagtinda. Wala ka po boss. hawak mo pa oras mo.

Kuya – “na inspired lang po ako sa kanya” (sabay turo dun sa katabi nyang kwek kwek vendor). “Meron na sya kotse at madaming motor yan lang ang negosyo nya.”

Me – sinawsaw ko ung fried isaw sabay subo. yum yum

Nice kuya.

Wala lang baka lang mapaisip kayo.

Profit is better than wages.

*need ko takpan ang face ni kuya for his privacy.”



Isaw at Fishball Vendor na Minamaliit ng Mga Kapitbahay, Kumikita ng Mahigit 60k Kada Buwan.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment