Babala: Wag Gawing Biro ang Pagsampal ng Cake sa Mga Celebrant, ng Wag Matulad sa Kanya.

Ika nga “Time is Gold” kaya sa bawat taon na lumilipas ay nadaragdagan rin ang ating mga edad, hindi na tayo patungo sa pagkabata kung kaya’t bawat taon ay pinapahalagahan at sa pagsapit ng kaarawan kahit maliit lang na handaan ay mapagsalu-saluhan.

Wala mang mamahaling regalong matatanggap, ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay isang malaking blessings na ng Panginoon sa ating lahat.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Naging mas masaya ang pagdiriwang ng kaarawan kapag kasama mo ang iyong pamilya at mga malalapit na kaibigan. Isa sa sentro ng celebrasyon ay ang pagkakaroon ng cake at mga pagkaing simbolo ng “longlife”.

Kadalasan na masisilayan natin tuwing may kaarawan ay ang pagsasaya ng mga dumalo, pagkain, inuman, sayawan at awitan. Minsan ay mayroon pang paglalagay ng icing sa mukha at katuwaan na pagdukdok ng birthday cake sa mukha ng celebrant.

Tunay nga naman nakakatuwa ito pero lingid sa kaalaman ng iba ang ganito palang gawain ay maaaring magdulot ng kapahamakan.

Katulad na lamang ng nangyari sa ibinahagi na post ng socmed page Chef like.lk. kung saan aksidenteng natuksok ng stick ng cake sa muka ang isang babae .

Ayon sa pahina na nagbahagi ng post, ang stick na tumusok sa muka ng babae ay galing sa loob ng cake. Hindi sinabi kung papano ito napunta doon pero ayon sa mga netizens. Ito ay ginagamit ng mga nagagawa ng cake upang mabalanse ang naka display na decoration nito. Madalas din itong nilalagay ng mga nag gagawa ng cake upang pang suporta sa cake.

“There are pastries that place chopsticks inside the cakes, so think twice before you push someone’s head into celebrations.”, Ayon sa ibinahaging post sa socmed.

Makikita sa larawan na muntik nang tumusok ang stick sa mata ng babae pero mabuti na lamang at hindi tumama sa mismong mata nito.

Agad naman din nabigyan ng luna ang nangyari sa babae na makikita sa larawan sa ibaba. Kung saan ay naalis na ang stick na tumasok sa kanyang muka at mayroon na itong bandage.

Ang pangyayaring ito ay isang magandang paalala sa ating mga kakilala o kaibigan na wag gawing biro ang pagsampal ng cake sa muka dahil maari itong makapag dulot ng aksidente. Katulad na lamang ng nangyari sa babae.

Sana ay mabasa ito ng lahat at maging babala na rin. Share nyo po sa mga kakilala at kaibigan.



Babala: Wag Gawing Biro ang Pagsampal ng Cake sa Mga Celebrant, ng Wag Matulad sa Kanya.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment