Minsan kahit anong ingat natin, di talaga maiiwasan ang mga aksidente na kahit pa nagmula sa isang maliit lamang na bagay.
Katulad na lamang sa di inaasahang pangyayari na ito sa isang netizen, kung kaya ay agad na nagbigay ng babala sa social media upang maging warning din sa iba.
You May Also Read:
2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.
Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?
Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya
Sa pamamagitan ng social media ay nagbigay ng babala ang isang natizen ukol sa pagbubukas ng biskwit o kahit na anong pagkain gamit ang bibig o ngipin.
Ito ay matapos mapahamak at malagay sa pangan1b ang kanyang ina nang ‘di sinasadyang mahigop nito ang bahagi ng plastic wrapper ng binuksang Skyflakes.
Noon lamang daw Pebrero nang mangyari ang aksidente ayon kay Joy Diaz Austero. Sinubukan daw na iluwa ng ina ang nalunok na plastic ngunit nabigo ito. “FEB. 23 nang magbukas si nanay ng isang skyflakes gamit bibig nya, nang biglang parang nahigop nya un. Naubo sya, pinilit nyang ilabas kasi nahirapan sya makahinga, matagal din syang inubo pero di nya nailuwa ung plastic,” anito.
Dahil dito ay dinala na nila sa ospital ang ina para matignan ng doktor. “Hindi ko alam ung exact na ginawa kay nanay pero sinilip ung lalamunan nya but they got nothing. Nakita lang ung sugat at punit sa lalamunan nya. But the Doctor told us na obserbahan si Nanay if mahirapan makahinga,” sabi ni Austero. Matapos ang isang linggo nang bigla na lang daw mahirapan huminga ang ina na parang hinihika kaya naman dinala na nila ulit ito sa ospital kung saan sumailalim ito sa bronchoscopy. Dito na nakuha ang piraso ng plastic na napunta pala sa kanang bahagi ng baga ng ginang. Nagpapasalamat naman si Austero sa mga taong nag-alala sa ina at sa mga doktor na tumingin sa ina. Mabilis na nag-viral ang post nito at marami ring netizens ang ‘di naiwasang mabahala dahil dito.
Netizen, Nagbabala Ukol sa Pagbubukas ng Biscuit gamit ang Bibig, May Peligrong Dala raw Ito.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment