Hangad ng bawat magulang na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak, kaya halos magkakandakuba na sila sa pagtatrabaho upang mapag-aral ang mga ito at makakuha ng magandang kurso.
You May Also Read:
2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.
Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?
Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya
Ang mga anak ang naging tanging inspirasyon nila at tagapawi ng pagod sa tuwing nakikita nilang nagsusumikap rin ang mga ito na masuklian ang kanilang mga sakripisyo.
Katulad na lamang ni Manong Driver sa isang jeepney, habang binabaybay nito ang daan kung saan siya bumabyahe ay makikitang dala-dala niya ang larawan ng kanyang mga anak.
Makikita kasi sa lagayan ng bayad ni manong driver ang larawan ng pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang tatlong anak na babae.
Ibinahagi ng University of the Philippines (UP) – Diliman student na si Louise Anne Quilay ang kuha niyang larawan ng isang jeepney driver na “kasama” sa kanyang araw-araw na pagbiyahe ang tatlong anak na nagsilbi niyang inspirasyon upang araw-araw na makibaka sa kalsada.
Agad na nag-viral ang kuha niyang larawan sa Facebook. Ibinahagi na rin ito ng ilang malalaking media outfit sa social media na umaani rin ng libo-libong likes at shares.
Naantig naman ang netizen sa larawan at sinabing inspirasyon ang tsuper ng jeepney sa maraming Pilipino na nakararanas ng suliranin sa buhay. Ayon sa ilang netizens, hindi hadlang ang kahirapan upang mapagtapos sa pag-aaral ang anak. Basta raw mayroong pagsisikap ang isang pamilya, lahat ng pangarap ay matutupad.
“What a great man! Congratulations! It would be great for your children to give back. Sir, you need a well deserved retirement. God bless you and your beautiful heart,” komento ng isang netizen.
“Wow! A good model tatay! Congrats to the family. And to the daughters, role model children. You didn’t fail your parent’s wish. And the fruits of their labor came to materialize,” pagbibigay-pugay ng isang social media user.
Isang Tsuper Hinangaan, Naka-display sa Jeep ang Graduation Picture ng Tatlong anak.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment