Isang OFW Ipinahayag Ang Hinanakit Sa Mga Taong Demanding Na Nanghihingi Ng Pasalubong

Isang katotohanang kaganapan nga naman ito sa tuwing may paparating na kilalang OFW na uuwi sa kanilang lugar. Inaasahan ng karamihan na mayroon itong dalang pasalubong katulad ng mga tsokolate, sabon, lotion ,at syempre dolyares, o maraming pera.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Nakatatak na kasi sa isipan ng iba na kapag ang isang tao ay nagtatrabaho sa abroad at nagbalikbayan ay napakayaman o ‘bigtime’ na ito. Ngunit ang hindi nila alam na marami ring paghihirap at sakripisyo ang nararanasan ng isang OFW (Overseas Filipino Worker) para lamang ito ay makauwi sa kanyang pamilyang naiwan sa Pilipinas, at ang totoo pa nito, yung mga nanghihingi ng pasalubong ay wala nga namang nai-ambag ng umalis ito sa ibang bansa.

Isang OFW na nagtatrabaho bilang isang administrative assistant sa isang ospital sa Riyadh na si Raymond Lopez ay naglabas ng kanyang saloobin matapos magbalikbayan at madatnan ang mga taong nanghihingi sa kanya ng pasalubong.

Inilathala niya ang kanyang pagkadismayado sa isang open letter sa kanyang social media account.

“Minsan, nakakadala talagang magbigay ng pasalubong kapag nagbabalik-bayan ka, bigyan mo man sila o hindi, meron at meron silang masasabi sa’yo, na kesyo “ito lang”, “nagbigay ka pa”, “kuripot naman”, “yan ba ‘yung abroad?”, “tatlong-taon sa abroad heto na ‘yun?”.

Una po sa lahat, hindi po nagbabalik-bayan ang isang OFW para bigyan o pasalubungan kayong lahat, walang obligasyon ang isang OFW na bigyan kayo ng mga tsokolate, sabon, pabango, at kung anu-ano pa! umuuwi ang isang OFW hindi para magregalo, mamigay o magpamudmod ng kung ano. kundi, umuuwi sila para pansamantalang makapagpahinga, makapaglibang, at makasama ang kani-kanilang pamilya’t mahal sa buhay.

Sana, subukon n’yo ‘hong mag-abroad, para po maranasan n’yo rin ang mga sakripisyo namin, ‘yung mga pagtitipid, pangungulila at kalungkutang nararanasan dito at ng mga kapwa-OFW namin sa buong mundo. Matuto po sana kayong magpasalamat o makuntento, dahil kahit papaano’y naabutan at naalala kayo nung tao.”



Isang OFW Ipinahayag Ang Hinanakit Sa Mga Taong Demanding Na Nanghihingi Ng Pasalubong
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment