Hindi naging hadlang ang pandemya sa taong ito upang ipagpatuloy ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Marami tayong mga nakikitang proposal na talagang unique at napaka memorable. Ika nga nila, once in a lifetime lamang ito mangyayari sa buhay ng tao, kaya dapat paghandaan .
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Kung inyong matatandaan, isa si Andi Eigenmann na nagviral sa buwang ito dahil sa kakaibang proposal ng kanyang fiancee na si Philmar Alipayo, kung saan ginanap ito sa ilalim ng dagat.
Nitong mga nakaraang araw naman ay kinakiligan ng mga netizens ang isang wedding proposal ng lalaki sa kasintahan nito na naganap sa harap ng majestic view ng Bulkang Mayon sa Albay. Pinamagatan pa ang kanilag proposal na “Sumpaan sa Harap ni Mt. Mayon” para kina “Dayan at Niño.” Makikita ito sa Facebook page na “Proud To Be Albayano.”
“She said YES! Sumpaan sa Harap ni Mt. Mayon. #SanaAll. Dayan loves Niño,” saad sa caption ng FB post. Makikita sa mga kalakip na larawan ang tradisyonal na pagluhod ng lalaki sa harapan ng babae, pagbukas ng kahita na naglalaman ng engagement ring, at pag-aalay nito sa kasintahan bilang tanda ng paghingi sa mga kamay nito.
Sa iba pang larawan, ipinakita ng lalaki na nakasulat ang tanong na “Will you marry me?” sa kaniyang kanang palad habang nakaharap siya sa camera, at ang nobya naman ay nakayakap sa kaniya. Bilang tugon, makikitang isinulat naman ng babae sa kaniyang kanang palad ang “I said yes!”
Kinakiligan naman ito ng mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon at komento.
“Sa kAbila ng mga nangyaring kalamidad, sakuna, pandemya, at iba pang mga negatibong pangyayari last year, hindi natinag ang dalawang nagmamahalan. Congrats! I’m from Pangasinan pero may pusong oragon… miss ko na ang pangalawang bahay ko—ang Albay!” saad ng isa.
Turan naman ng isa, “Napakaganda at napakaromantiko sa harapan ng Mayon! May natatanging alamat ang mga taga-Albay hinggil sa pagkakabuo ng bulkang iyan. Congrats and best wishes, my former classmate Niño Nuñez and soon-to-be wife!”
“Alam na ni Girl na magpo-propose, nakasulat na sa palad yung sagot. Congrats pa rin!” pagbati naman ng isa.
Wedding Proposal na Ginanap sa Harapan ng Bulkang Mayon Kinakiligan.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment