Batang Magtatatlong Taong Gulang Pa lang, Mayroon ng Ipon na 77k.

Kadalasan sa atin ay nagkakaroon lamang ng ipon kapag nagkaroon na ng stable na trabaho, yung iba nga kahit may pamilya na ay wala pa ring ipon at sariling bahay. Kaya nakaka proud naman ang magulang ng batang ito dahil sa edad na 3 years old ay mayroon na daw ipon na 77k.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Ibinahagi ni Jarold Manalad, ang ama ng bata, sa social media ang larawan kung saan nandyan ang kanyang anak at ang naipong pera na nagkakahalaga ng seventy seven thousand pesos (P77,000.00).

Ani Manalad, ang ipong salapi ay mula pa noong binyag ng bata hanggang sa mga pinamaskuhan nito sa kanyang mga ninong at ninang, kamag-anak at family friends.

Labis naman siyang nagpapasalamat sa lahat ng naka-ambag sa ipon na iyon na ayon sa kanya ay hindi nila gagalawin upang maipamana na lamang sa bata.

Dagdag pa niya na ngayon ay nasa bangko na ang pera, na kanila ding dinaragdagan tuwing sahod.

Narito ang nakakatuwa at nakakainspire na post ni Manalad:

“Mag 3 yrs old pa lang ung bata….

May ipon na siyang 77k.

Salamat sa lahat ng kamag-anak, ninong, ninang, family friends na nagmamahal sa bata.

Lahat po ng binigay niyo sa bata mula ng bininyagan siya ay para po sa kanya. Wala kaming binulsang mag-asawa. Wala kaming pinantapal sa expenses niya Gaya ng ginastos sa binyag at 1st birthday niya.

Hanggang sa huling sentimo sa bata po iyan. At lahat pa ng ibibigay niyo ay idadagdag po dyan.
Sana ay mairaos namin ang edukasyon ng bata ng Hindi Yan ginagalaw. para pamana na namin sa kanya yan….

Sana gawin dn ito ng mga magiging magulang. Lahat Ng expenses Niya ay dapat nating itaguyod at lahat Ng bigay sa bata ay para sa bata.

Salamat po sa inyo. Nasa bangko na po Ang pera niya.

PS: may small amount din kaming nilalagay mag-asawa dyan kada sahod. Pero promise maliit lang. Mas malaki p dn ung mga bigay. (200 per sahod)”



Batang Magtatatlong Taong Gulang Pa lang, Mayroon ng Ipon na 77k.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment