Viral ngayon ang Facebook post ng netizen na si Amir Jhon Tingdioco kung saan pinakita nito ang chequeng natanggap mula sa kanyang agency.
Makikita sa cheque ang halaga ng backpay ni Tingdioco na P172 pesos.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Ayon sa post ng netizen, mahigit dalawang taon umano siyang nagtrabaho sa ahensiya at hindi raw tama na P172 pesos lamang ang kanyang natanggap na backpay.
Dagdag pa niya, dati na raw nailapit sa ‘Raffy Tulfo In Action’ ang ahensiyang ito at nagbigay na ng maayos na backpay, ngunit ngayon ay tila hindi nanaman tama ang kanilang panukala.
Aniya, sana raw ay ibinigay na lamang sa kanya ng diretso ang P172.
Sa huli ay nananawagan si Tingdioco na matulungan siya ni Raffy Tulfo upang makuha ang tamang backpay nito.
“HUMIHINGI PO AKO NG TULONG SA #raffytulfoinaction NA SANA MATULUNGAN NYO PO AKO, ALAM KONG DI LANG AKO ANG NAKAKARANAS NG GANITO SA AGENCY NA TO. NAWAY BIGYAN NYO PO AKO NG PAGKAKATAON NA MAIPALIWANAG NILA SAKIN NG MAAYOS BAKIT GANITO ANG GINAGAWA NILA SA MGA NAGING EMPLEYADO NILA,” sabi ni Tingdioco.
Sa ngayon ay umabot na sa 5.2k reactions, 3.5k comments at 5.1k shares ang post ni Tingdioco.
Basahin sa ibaba ang buong Facebook post ni Tingdioco:
“Asan hustisya sa ganitong Agency?
For more than 2 years of being Employee nyo ito yung Separation fee o backpay ko 172 Pesos?
Last time balita ko napa Tulfo kayo then nag bigay kayo ng Backpay sa mga nag resign last year. Ngayon ganito Ano to “Pasensya na God Bless”
May separation fee pang nalalaman 172 pesos lang naman pala.
Sana binigay nyo nalang sakin ng barya baka maappreciate ko pa.
Laking tulong nito sa Pamilya ko.
HUMIHINGI PO AKO NG TULONG SA #raffytulfoinaction NA SANA MATULUNGAN NYO PO AKO, ALAM KONG DI LANG AKO ANG NAKAKARANAS NG GANITO SA AGENCY NA TO. NAWAY BIGYAN NYO PO AKO NG PAGKAKATAON NA MAIPALIWANAG NILA SAKIN NG MAAYOS BAKIT GANITO ANG GINAGAWA NILA SA MGA NAGING EMPLEYADO NILA.”
Ayon naman sa ilang mga netizens baka raw may mga loan o utang si Tingdioco kaya raw ganun ang kanyang natanggap na backpay.
Anila, may mga pagkakataon raw na may loan sa SSS at Pag-ibig ang ilang empleyado kaya maliit ang kanilang backpay.
Ngunit sagot ni Tingdioco ay hindi siya kailanman nagkaroon ng mga loan.
P172 Pesos na Di-umanoy Backpay ng Netizen, Viral sa Social Media
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment