Halos mag-iisang taon na ang pananalasa ng pandemya sa buong bansa at wala paring tiyak na gamot ang pwedeng maging panlaban ng tao para makabalik na sa normal na pamumuhay.
Sadyang napakahirap at limitado ang galaw ng tao. Isa sa mga pinapatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang paglaganap nito ay ang pag obserba ng social distancing, palagiang pagsuot ng facemask at faceshield bilang proteksyon.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Pwedeng makalabas ang tao at magpatuloy sa paghahanapbuhay subalit kailangang sundin ang habilin ng pamahalaan. Nakakalungkot lamang dahil kahit sabihin nating mura ito may mga tao talagang hindi kayang makabili nito dahil mas uunahin muna nila ang kanilang makakain sa araw-araw.
Kaya para masunod ang panukala ng pamahalaan gumagawa na lamang ang mga kababayan natin ng alternatibo para sa facemask at shield.
Katulad na lamang ng matandang lalaking ito na dahon ng saging ang ginawang facemask. Sa litratong ibinahagi sa socmed, makikita ang lalaking padaan sana ng checkpoint sa Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela habang sakay ng kaniyang bisikleta. Napansin ito ni PSSG Mark Anthony Ramirez, partikular na ang kaniyang kakaibang face mask.
Nalaman ng mga ito na walang sapat na perang pambiliang matandang lalaki upang makabili ng face mask at face shield.
Dahil dito, imbis na pagmultahin, kanila na lamang itong tinulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng N-95 face mask upang maprotektahan ang sarili laban sa vrus. Nagbahagi rin ang pulis ng mabubuting salita at pinuri ito sa pagiging malikhain.
Ibinahagi ng Cauayan City Police Station ang nakakaantig-damdaming istoryang ito sa socmed. Marami namang netizen ang nakaintindi sa sitwasyon ng matanda, kaya naman marami ang naghandog ng tulong sa lolo. Kanila ring pinuri ang pagiging mabait at matulungin ng PSSG.
Lolo Na Nahuli Sa Checkpoint Dahil Dahon Ng Saging Ang Facemask, Naluha Sa Ginawa Ng Pulis
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment