Tignan: Kakaibang Isda na May Bibig at Ngipin Katulad ng sa Tao, Namataan ng Netizen.

Malaking pala-isipan sa mga netizens ang larawan ng isda na may bibig at ngipin na kagaya ng sa tao. Nagtatanong ang karamihan kung ito ba ay edited lamang o totoong klase ng isda, dahil sa panahon ngayon malaki ang naging impluwensya ng teknolohiya para magawan ng paraan ang anu mang kagustuhan.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Sa ulat ng New York Post, nag-ingay ang netizens nang lumabas ang isdang ini-upload ng Indonesian Twitter user na si RaffNasir dahil sa kakaiba nitong itsura.

Makikita ang larawan ng tila nakangangang isda habang hawak ni Raffsnir na may caption na, “her lips are hotter than mine,” na agad nagviral.

ImageImage

Ngunit marami sa commenters ang hindi naniniwalang tunay ang naturang lamang-dagat nang may naglabasang larawan nito na pareho sa injected pout ng isang Instagram star.

Kumalat din ang ilang larawan ng tao na ikinumpara sa nasabing isda.

May iba na in-edit pa ang litrato at nilagyan ng pilikmata at mga kamay.

Image

Image

Ngunit ayon sa report ng National Geographic, malaki ang posibilidad na tunay at buhay ang mga ganitong isda na tinatawag na “triggerfish” na matatagpuan sa tropical seas.

Ginagamit daw ng mga ito ang kanilang mga ngipin na gaya ng sa tao para manghuli ng alimasag at sea urchins.

Samantala, hindi naman ito ang unang beses na kumalat sa socmed ang kakaiba ring lamang-dagat na tinawag pang “penis fish” dahil sa itsura nito.

Image

Isang babae naman ang nagbahagi nito na aniya’y nakuha niya sa isang beach sa California.



Tignan: Kakaibang Isda na May Bibig at Ngipin Katulad ng sa Tao, Namataan ng Netizen.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment