Lalaking Kulang ang Pambayad sa Philheath Fee, Binayaran ng Good Samaritan na Babae.

Sa bawat araw ng ating paglalakbay, hindi natin alam kung sinong mga tao ang ating makakasalamuha sa buhay, mayroong mababait, masasama, mapagkunwari at manggagamit ng kapwa.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Ngunit, ang Panginoon ay makapangyarihan na biglang magbibigay ng paraan para ikaw ay matulungan, hindi literal na anghel na may pakpak ang kanyang ibibigay kundi mga normal na tao rin na may busilak na kalooban.

Katulad na lamang po sa nangyari kay Tatang na nasaksihan ng netizen na si Renz Julius Dela Cruz sa isang bayad center sa San Rafael, Bulacan.

Kuwento ni Dela Cruz, habang nag-aayos siya ng kaniyang mga bayarin ay narinig nito ang usapan ng cashier at isang lalaking magbabayad ng Philheath contribution niya na kinilalang si Tatay Alex.

Ayon daw kay Tatay Alex, kulang ang dala niyang pambayad na halos P300 at due date na niya noong araw na ‘yon.

“Iyan na lang po lahat, galing pa po ako sa Sapang Putik, eh naglakad lang po ako papunta rito,” paliwanag ng lalaki pero hindi ito tinanggap ng kahera.

Uuwi na raw sana si Tatay Alex nang lapitan at kausapin siya ng good samaritan na si Jasmine Collado. Maya-maya pa, bumalik ang dalawa sa counter at binayaran ni Collado ang PhilHealth contribution ng lalaki.

Labis na humanga si Dela Cruz sa pagmamalasakit na ipinaramdam ng babae kaya naman nagdesisyon siyang kuhanan ng litrato ang nakaaantig na eksena.

“Natuwa po ako kay ate. Napakabait niya. Nakaka-antig ng puso. Hindi ko akalain na kung sino pa ‘yung sa tingin mong sapat lang din ‘yung kinikita ay sila pa ‘yung may malaking puso para tumulong sa kapwa,” saad ng uploader.

Hindi inaasahan ni Tatang na gagawin yun ng Babae kaya labis ang tuwa na bakas sa kanyang mukha, sana ay e blessed pa po ng Panginoon ang mga taong katulad ni Maam Jasmine.

Narito ang Post ni Renz:

First time ko mag post ng ganito. Pasikatin natin si ate na naka pink. Nag babayad kasi si manong (Naka Green) ng philhealth tapos sabi nung cashier kulang yung pera ni kuya. Sabi ni kuya ay wala na ko dalang pera yan lang po lahat, galing pa po ako sa sapang putik eh nag lakad lang po ako papunta dito. (Cruz na Daan) Sabi ni cashier eh hindi po mababayadan philhealth nyo. Parang nasa 300 plus yata yung kulang. Due date na ngayon. Eh sge po eka ni manong uuwi nlng po ako. Tapos nung pag labas ni kuya ng bayd center kinausap sya ni ate tas sinamahan sa counter. Si ate na nag bayad nung philhealth nya tapos yung pera ni kuya sabi nya itabi nyo nalang po eka yan. Nadinig ko po eka kasi kayo na kulang pang bayad. Yun lang naman. Haha. Nakaka antig ng puso. May mabuti kang kalooban ate. Godbless you.
#Shareyourblessings
#Goodvibes



Lalaking Kulang ang Pambayad sa Philheath Fee, Binayaran ng Good Samaritan na Babae.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment