May-Ari, Di Makapaniwala, Perang Nawala noong 2017 Naibalik Pa sa kanya ng Buo.

Minsan pag may nawawala tayong bagay ay kusa naman itong bumabalik sa panahong hindi mo kailangan at hindi mo hinahanap, parang pinaglalaruan ka ng panahon. Subalit kapag pera na ang nawala maaaring hindi na ito maisauli dahil pwedeng pagka-interesan ng makapulot, o kaya ay hindi ka naman mahanap ng taong nakapulot nito.

You May Also Read:

Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.

Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.

Babaeng Nagparetoke ng Ilong, Di Alam Na Nawala ang Isang Parte ng Kanyang Tenga na Ginamit sa Operasyon.

Kaya kapag ikaw ay nawalan ng bagay at pera na hindi naisauli kaagad, mukhang mawawalan ka na ng pag-asang makita ito.

Pero ayon sa ulat, ibahin nyo po ang nangyari sa netizeng nagngangalang Cesnee Tan, dahil siya mismo ang magpapatunay na ang nawalang pera, tatlong taon na ang nakalipas, 2017 ay naibalik pa sa kanya sa Davao City.

Kuwento ng dalaga, kumakain siya sa nasabing eatery nang lapitan siya ng may-aring si Rosalina Garcia para isauli ang salaping nagkakahalaga ng P3,000.

“Hindi ko talaga inasahan, or kung inasahan ko man na ibalik nila, hindi ako sure kung same amount. Baka nagastos nila yung nawala ko. Pero yung amazing part about it. Hindi talaga nila ginalaw kahit na i-replace na lang sana nila kung nagastos nila,” pahayag ni Tan.

Ayon kay Garcia, isang customer ang nakapulot ng pera sa sahig at isinauli sa kaniya ito. Ibinilin ng good samaritan na ibigay kay Tan ang salapi kapag bumalik ito sa karinderya.

Mabuti na lamang at naalala niya pa ang mukha ng dalaga.

“Sabi ko, ‘Di ba parang ikaw man yung nawalaan ng pera?’ Sabi niya, Oo te. Tapos sabi ko, nandito sa akin kasi may nagsauli, matagal na ako nag-antay sa iyo.’” saad ng may-ari ng eatery.

Agad naman naging viral sa social media ang kuwentong ibinahagi ni Tan at umani ito ng libu-libong positibong reaksyon mula sa netizens.



May-Ari, Di Makapaniwala, Perang Nawala noong 2017 Naibalik Pa sa kanya ng Buo.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment