Tila hindi maipaliwanag ang naging reaksyon ng mga magulang at ka-anak ng tatlong taong gulang na bata matapos makatanggap ng isang online delivery na may malaking kahon at nagkakahalaga ng P4,000.00.
You May Also Read:
Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.
Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.
Ngiting tagumpay naman ang mukha ng tatlong taong gulang na bata na si Nathan Pana mula sa Catigbian, Bohol nang magsidatingan ang kanyang mga di sinasadyang order sa Shopee.
Ginulat ni Nathan ang kanyang pamilya sa hindi lamang isa kundi dalawang mamahaling laruan mula sa nasabing online store.
Kwento ng tiyo nitong si Marloue Napiñas Mahumot, nakikita raw ng kanyang pamangkin ang pag-order ng ina nito sa Shopee ngunit hindi nila akalain na makakapag-proseso ito ng order.
Nakatanggap ang ina ni Nathan ng mensahe mula courier ngunit hindi niya ito pinansin. Inakala niya kasing ‘wrong send’ lang ito o di kaya naman ay late message mula sa nauna niyang order. Kaya naman, nang bumuluga sa kanila ang order ni Nathan na motorbike na may remote control at toy truck na may pedal, wala silang nagawa kundi ang bayaran ito. Sinubukan umano nilang i-cancel ang mga order subalit huli na ang lahat at naawa na rin sila sa delivery rider kaya lalo na at magpapasko pa naman nang kanila itong makuha.
Samantala, hindi naman matatawaran ang kasiyahan ng bata nang masakyan na ang mga na-order na laruan na tila ba’y ipinag-adya sa kanya.
Dati lamang daw kasi itong pinapangarap at hinihiling ng bata at ngayo’y nasa kamay na niya. Gayunpaman, magsilbing aral ito sa mga magulang patungkol sa paggabay sa mga anak lalo na at mabilis na silang matuto ngayon ng paggamit ng gadget.
3 Taon na Bata, Ginulat ang Ka-anak sa Inorder na Malaking Box Online ng Ito ay Ma-Deliver.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment