Dating Magsasaka, Isa Nang Ganap na Milyonaryo Dahil Sa Pagbebenta Ng Pakωan!

Napakasarap sa pakiramdam kapag naging matagumpay ka bunga ng iyong pagsasakripisyo. Ang buhay ay hindi madali, maraming mga naka-abang na pagsubok, subalit yan ang magiging daan mo para matuto at maging matatag sa pag abot ng iyong pangarap.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Ang kahirapan ay kailanman hindi naging hadlang, dahil marami na ang nagpatunay na ang pagiging masipag, madiskarte, determinasyon ang siyang susi mo sa tagumpay.

Isang halibawa po nito ang magsasaka na ito na mula sa hirap ngayon ay ganap ng milyonaryo. Siya po ay si Nanay Helen Cullo .

Namangha at na inspire ang mga nakarining ng kanyang kwento ng buhay na mula sa pagiging magsasaka, sa tulong ng Diyos at pagsusumikap, ngayon ay isa nang milyonaryo.

Si nanay ay mula sa Aklan. Hindi naging madali ang buhay para sa kanilang pamilya. Sila ng kaniyang asawa ay nabiyayaan ng anim na anak. Ngunit, sa kasamaang ραℓαd, binαωiαn ng buhay ang isa dito. Dahil sa kahirapan, walang nagawa noon si nanay Helen kundi ibigay ang kanilang mga anak sa kanilang mga kamag-anak. Dalawang anak lamang ang natira sa kanilang pangangalaga.

Gayunpaman, hindi pa din nagkulang sila nanay Helen para sa kanilang mga anak na naipamigay nila dahil sa tuwing maganda ang kinikita niya sa pagtitinda ay binibigyan niya ng panggastos ang mga ito.

Si nanay Helen ay dating nagtitinda ng mga mangga  sa Divisoria. Maaga pa lamang ay naroon na siya para makaubos agad. Doon ay nagkaroon siya ng mga kasamahan na nagtitinda naman ng gulay na kumukuha sa Pangasinan. Dahil sa maganda din ang kita sa pagtitinda ng gulay, naisip ni nanay Helen na sumama sa mga ito para makabili din siya sa Pangasinan ng mga ititindang gulay.

Makalipas ang ilang buwan, tinuruan naman si nanay Helen ng kaniyang mga kasamahan na magtanim na lamang ng sariling gulayan. Doon ay naisip ni nanay Helen na mas maganda nga kung magtatanim na lamang siya dahil nakakapagod din ang pagpapabalik balik niya mula sa Aklan hanggang Urdaneta at hindi din biro ang pamasahe na kaniyang ginagastos.

Ngunit, hindi pa natapos diyan ang hirap ng pamumuhay nila nanay Helen. Naranasan din nilang palayasin sa kubo na kanilang inuupahang pamilya. Hindi kasi sila makabayad noon dahil sa nagsunod sunod ang kanilang gastos.

Sa kabila nito, hindi sumuko si nanay Helen at ang kaniyang asawa. Sa pagtitinda niya ng mga pakwan mula sa kaniyang pananim, unti-unti ay guminhawa ang buhay ng kanilang pamilya.

Hindi nagtagal, dahil na din sa kaniyang sipag at determinasyon, ay nabili na ni nanay Helen ang buong lupa na tinatayuan ng kubo na nirerentahan lamang nila noon.

Bukod pa diyan, nakapagpatayo na din sila nanay Helen ng sariling bahay at umasenso ang buhay unti-unti dahil sa tulong ng pagbebenta niya ng mga pakwan.

Di mo talaga akalain kung hanggang saan ang kaya mong marating, kaya wag matakot sumubok sa buhay dahil baka diyan rin nakasalalay ang iyong tagumpay.



Dating Magsasaka, Isa Nang Ganap na Milyonaryo Dahil Sa Pagbebenta Ng Pakωan!
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment