Batang Musmos na may Dalang Batya ng Paninda sa Loob ng Jeep,Umantig sa mga Netizens.

Naantig ang puso ng netizens sa larawan ng isang batang lalaki na may dala-dalang batya ng paninda sa loob ng jeep.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Sa ibinahaging retrato nitong Nob.25 ng netizen na si Wencil Acosta, makikita ang bata na nakaupo sa loob ng sasakyan na nakayapak at nakasuot ng bag at dala-dala ang tila mga gulay niyang paninda.

Sabi niya sa kanyang post, “Anong dahilan mo para tumambay?Anong dahilan mo para maging tamad at higit sa lahat anong dahilan mo para hindi magsumikap? 😬😬

Dagdag niya, napahanga siya sa lakas ng loob at kasipagan ng bata na kahit wala pa sa tamang edad ay nagtatrabaho na.

Agad namang umani ng papuri at paghanga ang lalaki mula sa mga komento ng netizens.

May nagsabing, “May awa din ang Dios soon you will be successful little boy 💕 basta mag sumikap kalang at wag huminto sa mga pangarap mo .. 👍

“Wowww sna all ganyan kasipag☺☺wish u a good health and more blessing little boy,” sabi ng isa pa.

“Ipagpatuloy mo anak at may mararating, Good luck and God bless you,” saad ng isa pang nagkomento.

Marami rin ang sumaludo sa bata na gusto pang magbigay ng tulong bilang regalo sa bata lalo’t sasapit na ang pasko.



Batang Musmos na may Dalang Batya ng Paninda sa Loob ng Jeep,Umantig sa mga Netizens.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment