Hinangaan muli ng mga tao sa social media ang mga pulis mula Badoc, Ilocos Norte na nagbigay ng tulong sa isang 98-anyos na babae.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si I Love PNP ang mga retrato tampok ang tropa ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company, RMFB1, at Police Regional Office (PRO) 1, na naging tulay para mapagawa ang bahay ni Celerina Ibus Villa, residente ng Brgy. Labut sa naturang bayan.
Kuwento ng uploader, katuwang ni Lola Celerina ang dalawang lalaking anak na pagsasaka ang ikinabubuhay.
Hirap na rin siya makakita at gumalaw sanhi ng edad.
Kada araw dinadalaw sila ng operatiba para magbigay ng groceries.
Napansin din ng awtoridad na mahina na ang pundasyon ng tirahan niya at maaring bumigay anuman oras.
Sa tulong ng Facebook post, nakalikom sila ng sapat na pondo para mapagawa ang bahay ni Lola Celerina.
Hindi napigilan ng matandang babae maging emosyonal sa lahat ng tulong na ibinigay sa kaniya ng mga kawani.
Umani ng libu-libong reaksyon ang nasabing kuwento at maraming indibidwal ang bumilib sa pagiging santa claus ng mga pulis.
98-Anyos na Lola, Emosyonal dahil sa Regalong Bahay ng mga Pulis sa Ilocos Norte.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment