Minsan sa buhay hindi natin inaasahan na may mga anghel pala sa paligid natin na sila ang biglaang magbibigay ng tulong na hindi mo inaasahan.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Katulad na lamang sa kwentong ito ng isang 50-anyos na OFW na nakatanggap ng sandamakmak na pera mula sa kanyang Amo.
Kinilalang isang sikat na Australian vlogger pala ang employer niya na si Alexandra Mary Hirschi o mas tanyag sa pangalang si Supercar Blondie.
Hindi inaasahan ng OFW na susurpresahin siya ng kanyang amo dahil sa napalapit na ito sa kanya dulot ng mga kabutihan at kasipagan na pinapakita nito.
Naluha sa sobrang saya ang Pinay dahil sigurado nang makakapag-kolehiyo ang anak at makapagpapatayo pa siya ng sarili niyang bahay.
Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Supercar Blondie ang kanyang supresa para sa empleyado niyang Filipina.Napalapit na raw kasi sa puso nila si Avelina dahil sa kasipagan nito at dedikasyon sa trabaho. Napakabuti raw ng pagkatao nito at alam nilang mahal na mahal nito ang kanyang pamilya. Kaya naman naisipan ng vlogger na magbigay ng malaking halaga ng pera kay Avelina upang matulungan ito sa pagpapa-aral ng bunso nitong anak na 15-anyos pa lamang. Buong pag-aakala ni Avelina na ang documentary ay tungkol sa mga empleyado ni Supercar Blondie. Hindi niya alam na mabibiyaan siya sa araw na iyon.
Maging ang ibang empleyado ng vlogger ay maraming magagandang nasabi tungkol ay Avelina. Kaya naman alam nilang nararapat lamang daw ito na makatanggap ng biyaya. Nang ibigay na ng ng employer ang surpresa kay Avelina, halos maluha ito sa sobrang kasiyahan. “This is enough to send your son to college or to help you build a house when you retire,” ani Supercar Blondie nang ibigay niya ang sandamakmak na salapi kay Avelina.
Nagbiruan pa ang mag-amo dahil inaakala ni Avelina na siya’y pinauuwi na. Nagbiro rin ang vlogger na kung uuwi na ang OFW ay babawiin niya ang ibinigay.
Patunay lamang na nakagaanan na talaga ng loob ng sikat na vlogger ang Pinay na hindi naman ipinahiya ang ating lahi sa kabutihang ipinakikita niya kahit wala siya sa sariling bansa. Narito ang kabuuan ng maiksing video:
Pinay Helper, Sinorpresa ng Amo ng Sandamakmak na Pera para sa College Fund ng Anak.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment