Bawat tao ay may kanya-kanyang pananaw sa kanilang sarili, kung paano nila tanggapin ang buhay na kanilang kinagisnan, may mga taong ipinanganak na halos nasa kanila na ang lahat pero hindi naman masaya sa buhay.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
May mga tao rin na isinilang na may mga kapansanan pero hindi nagiging hadlang para magampanan ang kanilang mga tungkulin at gawain. Kapag kinulang ka ng isang parti ng iyong katawan ay hindi ibig sabihin na hindi na gagalaw pa ang iba mo pang mga parti, bagkus kinakailangan lamang ay ang buong pusong pagtanggap sa iyong kapansanan upang maging maligaya sa buhay.
Katulad na lamang po sa isang kwento ng Chinese mother na hindi nabiyayaan ng dalawang kamay. Ngunit ang kanyang kapansanan ay hindi naging hadlang upang maalagaan ang kanyang anak at mabuhay ng normal.
Sa viral video, ang babaeng may kapansanan ay makikitang nakaupo sa isang sofa habang binibihisan niya ang kanyang anak na babae. Makikita kung paano niya ipinapasuot ang jacket at saka pa ito binubutones gamit lamang ang kanyang dalawang paa.
Isang siyang extraordinaryong ina dahil hindi naging hadlang ang pagkakaroon ng hindi kumpletong parte ng katawan upang magampanan niya ang pagiging ina sa kanyang anak.
Sa sumunod na scene ng video, makikita na habang nakaupo siya sa harap ng dining table ay naghihimay siya ng gulay gamit lamang ang mga paa. Kung iisipin, napakahirap talagang gawin ang bagay na ito lalo na’t paa lamang ang iyong ginagamit, ngunit kakikitaan na ang supermom na ito ay mukhang sanay na sanay na siya sa gawaing ito.
Matapos nito, nakakamangha ding makita na kaya niya ring mag-makeup ng kanyang sarili at maglagay ng mascara habang hawak hawak ng kanyang paa ang brush. Maliban sa pag-aalaga ng kanyang anak ay hindi rin niya pinapabayaan ang kanyang sarili.
Malinaw na malinaw na walang naging limitasyon sa babaeng ito sa kung ano ang kayang gawin ng isang normal na ina para sa kanyang pamilya.
Nakaka-amaze din na kahit ang mga komplikadong bagay gaya ng pagtali ng buhok ng kanyang anak, paglusot ng sinulid sa karayom, paghiwa ng gulay gamit ang kutsilyo, at paggamit ng chopsticks ay kanyang nagagawa sa pamamagitan lamang ng paggamit ng kanyang mga paa.
Isa siyang tunay na inspirasyon dahil kung iisipin, mahirap ang kanyang kalagayan pero hindi ito naging hadlang upang makapamuhay siya ng normal. Magsilbing eye-opener sana ang kwento ng babaeng ito sa iba na akala nila ay wala na silang silbi sa mundo, lahat po tayo ay may magagawa kapag naging positibo ang ating pananaw sa mundo.
Inang Walang Mga Kamay, Pinabilib ang Madla sa Pag-aalaga sa Anak at Sarili gamit ang mga Paa.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment