Hindi lahat ng tao ay kukonsintihin ang mga ginagawa mo, dahil napakahalaga ng kaligtasan ng bawat isa, sa panahon ngayon na napakahirap dala ng pandemya at ang malala pa ay hindi mo makikita ang kalaban mo.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Isa sa nakitang paraan ng World Health Organization na labanan ang nasabing v1rus ay ang pagsuot ng facemask lalong lalo na sa mga lugar na pampubliko, kaya hindi lamang isang bansa ang sumusunod sa panukalang ito kundi buong mundo.
Kaya nahantong sa isang hindi magandang sitwasyon ang nangyari sa babaeng ito matapos na gumawa ng eksena dahil sa hindi pagsuot ng facemask, hindi inaasahang pangyayaring ito na labis na ikinagulat ng mga pasaherong nakasaksi at maging ng mga netizen na nakapanuod sa kumalat na video.
Mapapanuod sa video ang isang ginang sa loob ng bus habang nakatayo ito at walang suot na face mask.
Tila may nakasagutan ang nasabing babae na isa sa mga pasahero. Walang pag-aalinlangan na dinuraan nya ito.
Ang sumunod na eksena ay labis na ikinabahala ng marami sapagkat tumayo ang isang lalaking naka-mask at pinagtutulak ang babaeng nandura.
Maririnig sa video ang pag-awat sa lalaki ng iba pang mga pasaherong nasa bus ngunit bigo silang pakalmahin ang naagrabyadong lalaki.
Buong lakas na tinulak ng lalaki ang pasaway na ginang hanggang sa tumalsik ito palabas ng bus at napadapa sa kalsada.
Halatang nabigla ang mga nasa loob ng sasakyan ngunit hindi nila masisi ang kaawa-awang lalaki sa ginawa nya dahil sa ipinakita ng babae na kawalan ng respeto nang duraan sya nito sa mukha.
Makikita ang nanulak na naiinis na pinupunasan ang kanyang mukha habang bumababa ang isang pasahero na nagpakita ng pag-aalala sa babaeng napatalsik ng ‘di oras.
Paliwanag nya matapos itulak ang babae palabas, “She spit on me!”
Tila hindi inakala ng nandura na ginang na magagawa iyon sa kanya ng naturang lalaki.
Kaya bilang respeto na rin sa mga taong kaharap natin, sumunod na lamang tayo sa mga panukala ng ating gobyerno para sa ikabubuti ng lahat.
Reason number 251 not to take @TransLink during a pandemic.
So much for mandatory masks #bcpoli#vanpoli#vancouver pic.twitter.com/LDiIcXIHhe
— Hafeez Noorani (@FEEZYDoesIT) October 22, 2020
Ginang na Walang Face mask at Nandura sa Bus, Tinulak Palabas ng Lalaking Dinuraan nya.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment