Matandang Magkapatid na Asukal ang Ulam, Nabigyan ng Tulong.

Isang tinatawag na Pobreng Vlogger o ang totoong pangalan ay si Archie Hilario ang nagbigay ng tulong sa magkapatid na matanda na si Lolo Gwalberto at lola Flor ng Altavas , Aklan.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Nagviral kasi ang isang post patungkol sa dalawang matandang magkapatid na naninirahan sa bundok. Isang lalaking nag-census sa lugar ang nakakita ng kalagayan ng magkapatid na noon ay nadatnan pa niyang walang ulam kundi asukal kaya kanyang ipinost ang naging kalagayan ng dalawang matanda at sa kabutihang palad ay unti-unti nang dumarating ang mga tulong para rito at isa sa rumesponde ay ang vlogger sa Aklan na si Archie Hilario.

Hindi lamang grocery items at tulong pinansyal ang matatanggap nito kundi isang munting kubo upang may mas maayos na masisilungan ang lolong nakatira sa sira-sira nang bahay.

Nakunan ng larawan ang kalagayan ng dalawa at naibahagi sa social media kaya naman dinagsa sila ng tulong. Makikita kasi ang bahay ni Lolo Gwalberto na sira-sira at halos gumuho na ngunit doon pa rin niya nais manatili tuwing umaga. Samantala ang kapatid namn nitong si Lola Flor ay nakatira sa mas maayos na bahay na ipinagawa naman pala ng kanilang kapatid. Gayunpaman, bakas pa rin ang hirap ng buhay ng dalawa dahil bukod sa malayo ito sa ibang mga kabahayan ay dumarating din sa puntong wala na silang makain.

Kaya naman nagmagandang loob ang grupo ni Hilario upang ihatid ang mga tulong na ipinaabot ng mga tagasubaybay nila sa YouTube gayundin ang tulong na galing mismo sa kanilang programa. Bukod sa bigas at iba pang grocery items, nabiyayaan din ang magkapatid ng nasa ₱8,000.

Mayroon ding isang negosyante na magbibigay ng bagong kubo na maaring masilungan ni Lolo Gwalberto tuwing umaga kapalit ng sira-sira nitong tambayan. Labis ang pagpapasalamat ni Lola Flor sa grupo ni Hilario at noon lamang daw sila nakatanggap ng ganoong mga tulong.


About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment