Ang edukasyon ay isang kayamanan ng bawat isa sa atin na siyang hindi mananakaw ng sinuman. Kaya’t palaging habilin ng ating mga magulang na mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ang kahirapan at ano mang pagsubok ay kailanman hindi hadlang sa ating pagtatamo ng tagumpay bagkus ito ay mga inspirasyon upang magsikap pang mabuti at maabot ang pangarap.
You May Also Read:
Ito ang pinatunayan ng magkasintahan kung saan ang kanilang kwento ay naging usap-usapan sa social media. Napagtapos ng lalake ang kanyang nobya sa kolehiyo dahil sa pagsisikap nito bilang isang konduktor ng bus.
Kinilalang si Sincer Mae Balili ang nobya at nagtapos nga sa kursong Bachelor in Science and Business Administration.
Ibinahagi ni Mae kamakailan lamang sa social media ang kanyang naging matagumpay na pagtatapos at ang kuwento nga sa likod nito. Ayon sa kanya, malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang dalawang taon na niyang nobyo na si Eldirberto ‘Bert’ Tanghap Andil sa pamamagitan nga ng pagtatrabaho nito bilang isang konduktor.
Ayon sa naging paglalahad ni Mae, noon nga umano ay dumating siya sa punto na nais na niyang sumuko sa kanyang pag-aaral, ito nga ay dahil sa kakapusan ng pera na magiging pangtustos sa kanyang pag-aaral.
Ngunit para nga hindi siya matigil sa kanyang pag-aaral, at gumawa ng paraan ang kanyang kasintahang si Bert. Kuwento ni Mae, mas nagsumikap ang kanyang kasintahan sa pagtatrabaho nito bilang isang konduktor sa Rural Transit Mindanao, Inc para lamang hindi siya matigil sa kanyang pag-aaral at matustusan siya nito. Labis ang pasasalamat ni Mae sa naging pagsasakripisyo na ito ng kasintahan niyang si Bert.
Nagbahagi naman si Mae ng mensahe para sa kanyang kasintahang si Bert na nagsasabi nga kung gaano siya ka-proud sa pagiging very supportive nito.
“Proud kaayo ako sa iyong full support saakung pag eskwela. Mao na bhalag sili siya makaapil nay way japon ug salaman kaayo kay timing kaayo ang orasan nila. (Sobrang proud ako sa kanya dahil sa lubos na suporta sa pag-aaral ko. Kahit hindi man siya nakasama salamat pa din dahil tugma pa din yung oras namin”, ang naging saad ni Mae.
Dahil naman sa kanilang nakakaantig na kuwento ay isang full scholarship ng It Tribal School ang ibinigay kay Bert, kaya naman ngayong taon nga ay papasok na siya bilang Grade 11 sa ilalim ng strand na Humanities and Social Sciences o HUMSS.
Tunay naman na ang relasyon na mayroon sina Mae at Bert ay kahanga-hanga, dahil sa pinatunayan nila na hindi lamang kasiyahan ang kanilang pagsasaluhan, kundi maging sa kagipitan at handa silang magtulungan at magdamayan.
You May Also Read:
0 comentários :
Post a Comment