Dalaga, Labis ang Pagkabigla ng Malaman ang Nakaraan ng Kanyang Boss at ang Kwento ng Kwentas Nito.

Maraming mga bata ang lumaking walang kinikilalang ama, at isa na nga rito si Diane na lumaki mula sa simpleng pamilya lamang. Maliit pa siya ng iniwan ng kanyang ama kaya hindi niya maalala ang mukha nito dahil wala pa siyang muwang sa mundo nang ito ay lumisan.

Dahil sa hirap ng buhay, kinailangan ng ina ni Diane na magdoble kayod upang mabuhay siya at mapag-aral. Dahil doon, nagpursigi si Diane na makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho.

You May Also Read:

Pastor, Nagpupumilit na Ilibing ng Buhay, Dahil Muli Daw Siyang Mabubuhay sa Ikatlong Araw Subalit Natuluyang Mamatay!

Mag-ama na Hindi Pinasakay ng Bus, Naglalakad mula Surigao Hanggang Davao Del Sur na May 549 Km. Para maligtas ang Isa niyang Anak.

Magkapatid na Namamalimos Habang Nakasuot ng Plastik,Nilalagnat pa ang Kapatid,Umantig sa mga Netizens!

Nais ng dalaga na masuklian ang mga paghihirap na tiniis ng kaniyang ina upang maitaguyod lamang ang kanilang pamilya. Kaya naman nang makapagtapos siya sa pag-aaral ay daliang naghanap ng trabaho si Diane nang makatulong agad sa kaniyang ina.

Sa kabutihang palad, natanggap siya sa isang malaking kumpanya at doon ay nagsimula ang malaking pagbabago sa buhay ni Diane at ng kaniyang pamilya. Mabilis siyang napromote sa trabaho dahil sa angking galing at sipag niya at lahat ng mga katrabaho ay kinagigiliwan siya.

Dahil sa galing at sipag na pinapamalas ni Diane sa trabaho ay natuwa sa kaniya ang may-ari ng kumpanya na kaniyang pinagtatrabahuan. Hiniling nito na makausap siya nang sa gayon ay mapuri ang kaniyang taglay na talento.

Nang maimbitahan si Diane sa opisina ng kaniyang boss ay nakangiti siyang lumapit dito. Ininterview siya nito tungkol sa mga bagay-bagay at doon niya napag-alaman na nawawala ang mag-ina nito at hindi niya makita kahit saan.

Kwento nito, noong kasagsagan ng kanilang kahirapan ay kinailangan niyang iwan ang mag-ina upang kumayod at humanap ng pera, ngunit pagbalik niya ay nawawala na ang mga ito at hindi na niya mahanap pa. Dagdag pa nito ay kaya niya binuo ang kumpanya ay upang mahanap ang kaniyang mag-ina.

Naantig si Diane sa narinig kaya naman nagkwento rin siya tungkol sa kaniyang ama na iniwan sila. Kahit pa ito ay umalis, sinabi ni Diane na umaasa siyang makikilala at makakasama niya ito. Ipinakita niya sa kaniyang boss ang kwintas na bigay umano ng kaniyang ama at nagulat ang kaniyang amo nang makita iyon.

Inilabas ng kaniyang amo ang kabilang kapares ng kwintas at doon niya napag-alaman na ang nawawalang anak pala ng kaniyang amo ay si Diane.

Niyakap ng kaniyang amo si Diane at humingi dito ng tawad. Ngumiti lamang ang dalaga at tumango dahil para sa dalaga ay mas mahalaga ang makasamang muli ang ama. Pinatawad niya ito at maluwag na tinanggap muli sa kaniyang buhay.

You May Also Read:

Pastor, Nagpupumilit na Ilibing ng Buhay, Dahil Muli Daw Siyang Mabubuhay sa Ikatlong Araw Subalit Natuluyang Mamatay!


About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment