Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Walang pagsidlan ang kaligayahan ng bawat Ina na makitang malusog at masigla ang kanilang mga anak. Dugo’t laman nila ang bumuhay sa sanggol na mula sa kanilang sinapupunan kung kaya’t may mangyaring masama sa kanilang anak ay tila hihinto na rin ang kanilang buhay.

You May Also Read:

Pastor, Nagpupumilit na Ilibing ng Buhay, Dahil Muli Daw Siyang Mabubuhay sa Ikatlong Araw Subalit Natuluyang Mamatay!

Mag-ama na Hindi Pinasakay ng Bus, Naglalakad mula Surigao Hanggang Davao Del Sur na May 549 Km. Para maligtas ang Isa niyang Anak.

Magkapatid na Namamalimos Habang Nakasuot ng Plastik,Nilalagnat pa ang Kapatid,Umantig sa mga Netizens!

Sobrang napakasakit para sa bawat Ina na mawalan ng anak lalo pa sa kadahilanang di mo inaasahan. Kaya mas maganda kung maiiwasan ang mga posibleng masamang mangyari sa mga sanggol katulad na lamang sa isang paalala ng netizen na kinilala kay Venussa Dungo.

Siya ay nagpahayag ng kanyang naging karanasan ng may nag chat sa kanya upang magbigay paalala patungkol sa kanyang anak at maibahagi din ito sa iba pang mga magulang.

Ayon sa isang artikulo, narito ang kanyang pagsasalaysay:

Si Venussa Dungo ay nagbigay babala patungkol sa Sudden Infant D3ath Syndrome o iyong SIDS noong ika-26 ng Pebrero.

Ito ay ang hindi maipaliwanag na biglaang pagkamatay ng mga sanggol, isang taon pababa. Kadalasan daw itong nangyayari sa kalagitnaan ng pagtulog ng mga sanggol, sa mga oras bandang alas-dose ng madaling araw hanggang alas nuwebe ng umaga. Hindi ito madaling mapansin sapagkat walang paghihirap na maririnig mula sa sanggol na nakaranas nitong SIDS.

Ayon kay Venussa, nagbahagi siya sa kaniyang ‘Day’ o ‘Story’ sa socmed nang may nagreply na Fb friend niya rito.

Sinabi nitong bantayan niya raw ang kaniyang baby kapag nakadapa itong matulog. Dito nga ay nagsimula nang ipaalam ng naturang Facebook friend ang tungkol sa Sudden Infant D3ath Syndrome at kung paano maiiwasan ang mga ito.

Narito ang buong post ni Venussa:

“GRABE ‘TO!!!!

“Nagmyday kase ako ng picture ng baby ko na natutulog ng nakadapa. Then may nagreply sa myday ko na facebook friend. Sobrang makakatulong to sa mga moms out there na hindi aware sa Sudden Infant D3ath Syndrome aka SIDS.”

“Wag nating sanayin mga baby naten na natutulog ng nakadapa especially ages less than one year. IWASANG ITABI SA PAGTULOG. WAG TATABIHAN NG KUMOT, UNAN O EXTRABG MGA BAGAY. MAKE SURE NA MAKADIGHAY (BURP) AFTER MAGDEDE. WAG MASYADONG BALUTIN ANG BABY. PATULUGIN ANG BABY NG NAKATIHAYA. WAG MASYADONG BALUTIN ANG BABY, THEY MAY OVERHEAT.”

You May Also Read:

Pastor, Nagpupumilit na Ilibing ng Buhay, Dahil Muli Daw Siyang Mabubuhay sa Ikatlong Araw Subalit Natuluyang Mamatay!



Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment