Naalala nyo pa ba kung magkano ang naging baon nyo noong kayo ay nag-aaral pa? Marahil malaking halaga na ng Limang Piso noon at marami ka nang mabibiling pagkain tuwing recess at tanghalian.
Subalit, sa pagdaan ng panahon naging mababa na rin ang halaga ng pera, kung noon ay malaki na ang limang piso, ngayon tila ito ay isang piso na lamang dahil sa pagtaas ng mga bilihin.
You May Also Read:
Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.
Kung mayroon pa mang bumabaon ng limang piso sa ngayon, siguro ay ilan na lamang ang kanilang mabibili at baka nga hindi pa ito kasya upang makabili ng kanilang pananghalian.
Kaya hinangaan ang isang karinderya na pag-aari ni Nanay Mel sa Meycauayan, Bulacan na nagtitinda ng ham, kare-kare, bopis, tinolang manok, at iba pang mga putahe na iyong mabibili sa halagang Php5.
Ramdam kasi ni Nanay Mel ang hirap na pinagdadaanan ng mga kabataan kung kaya’t ginawa niya itong abot kaya para sa kanila. Si Nanay Mel ay naglalagay ng rice sa loob ng ready-to-go packs na mayroon pa ding espasyo para sa iba pang putahe. Sa halagang Php10, mayroon ka na kaagad na buong pagkain sa tindahan ni Nanay Mel.
Sa katunayan, sa Php5 mo meron ka na kaagad na buong pagkain dahil nagbebenta rin siya ng sariling version ng “chao fan” fried price na puno ng kanin at ilang piraso ng hotdogs.
Talaga nga naman na ang mga pagkain na binebenta ni Nanay Mel ay mura at masarap kung kaya naman ang kaniyang tindahan ay sikat.
Si Nanay Mel din ay nagbebenta ng iba pang pagkain sa halagang Php1 para sa mga estudyante na may mas maliit na baon, nakakamangha diba?
Ang mga estudyante ay makakabili na ng fish balls, hotdog slices, cheese sticks, at kikiam sa halagang Php1 kada isa.
Base kay Nanay Mel, kaya siya nagtitinda ng mga pagkain na mayroong mababang presyo ay para sa mga estudyante na hindi na kinakailangan magutom sa kanilang paaralan kahit maliit ang baon nila. Sinabi din niya na gusto niya makatulong at gagawin niya ito kahit na siya ay mahirap. Sana ay marami pa ang katulad ni Nanay na iniisip ang kapakanan ng kanyang kapwa.
You May Also Read:
Lola, Masayang Nagbebenta ng Ulam sa Halagang 5 Piso at 1 Piso Para sa Mga Batang Kapos.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment