Nakakahanga ang mga amang nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya. Sila yung mga nagsusumikap ng husto para mai-ahon sa kahirapan ang mga mahal sa buhay sa paraang marangal.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Ayon nga sa iba, kapag magulang ka, yung isusubo mo na ay ibibigay mo nalang sa mga anak mo, yung tipong kahit pagkain mo ay titipirin mo para may maiuwi ka sa pamilya mo.
Ito ang halimbawa ng kwento ni Kuya Security Guard na mula sa Malaysia na nagpa-antig sa damdamin ng maraming mambabasa dahil sa mabilis nitong pag trending sa social media.
Ang naturang security guard ay nakuhanan ng larawan habang kumakain ng kanyang baon.
Naging agaw atensyon sa mga netizen ang laman ng baunan nito na imbes na totoong ulam ay sibuyas at bawang ang tanging ipinapares nito sa kanin na may sabaw.
Ayon naman kay Apit Labid na siyang nagpost ng mga larawan ang sinusuweldo daw ng security guard ay katulad lang din ng ibang maggagawa subalit dahil sa pagmamahal nito sa kanyang pamilya ay mas pinipili nitong magtipid para mas malaki ang maipadala nitong pera sa kanyang pamilya.
Sa katunayan nga daw ay ang kabuuang ginagastos lamang ng security guard ay hindi hihigit sa 100 malaysian ringgit o sa pera natin ay Php1,700 sa loob ng isang buwan at ang natitira niyang sahod ay kanyang ipinapadala sa pamilya.
Dagdag naman ni Apit, dahil naawa daw siya dito at nakikita na nagsusumikap sa tuwing may extra daw siyang budget ay kanya itong binibilihan ng pagkain.
“Hopefully everything will be alright for him,” -dagdag ni Apit.
Ang naturang post na ito ni Apit ay umani ng maraming shares at comments sa social media at marami ang humanga sa kanyang ginawa, marami ang naka relate na mga kababayan nating OFW din dahil talagang ganito daw ang buhay sa ibang bansa.
You May Also Read:
Sibuyas at Bawang ang Tanging Ulam ng Security Guard upang Makatipid ng Husto para sa Pamilya.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment