Ang taong gumagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa ay mas pinagpapala. Yan ang palaging sinasabi ng mga matatanda na totoo namang nasasaksihan natin sa panahon natin ngayon.
Hindi lamang mayayaman ang pwedeng magbigay ng tulong sa kanilang kapwa, dahil gaano man kalaki o kaliit ang iyong nai-ambag, ito ay malaking tulong na para sa mga taong makakatanggap.
You May Also Read:
Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
Katulad na lamang po sa isang babae ma umani ng paghanga dahil sa kanyang ipinakitang kabutihan sa mag-amang pulubi matapos niyang pinakain ng libre sa Jollibee.
Sa pamamagitan ng post ni netizen Alexiefe Sulit Cataquiz, maraming napahanga sa kagandahang-loob ng babae. Dahil hindi umano siya nag-atubili na tumulong at pakainin ang mag-ama.
Saad naman ni Cataquiz, “Shoutout po kay ate.. napakabuti po ng puso nyo..talagang binigyan nyo pa ng sariling order ang mag.ama na nakita nyong namamalimos sa may harap ng #jollibee.
Dagdag pa niya na hanga siya sa babae at sana’y marami pa umanong kagaya nito na handang tumulong sa iba.
“Pinapasok nyo at binigyan ng magandang hapunan. Sadyang marami pa din talaga ang mga taong kagaya nyo.. saludo ako sa ipinakita nyo.. ganito ang dapat nagviviral sa social media. Sila ang mga taong dapat tularan.yung mga taong hindi puro salita lamang.”
Sa video, makikitang inasikaso ng babae ang mag-ama at binilhan sila ng kanya- kanyang makakain.
Labis naman ang tuwa ng mga netizens dahil binuhay ulit ni ate ang ang pananampalataya sa sangkatauhan.
Hindi araw-araw nakakakita tayo o kahit sa social media ng mabubuting gawain. At gaya ng ginawa ng babae, tunay na kinahangaan ito ng lahat.
VIRAL: Mag-amang Pulubing Namamalimos, Nilibre ng Babae ng Jollibee at Inasikaso pa ng Mabuti.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment