Sikat Na Aktor Noon, Naghihirap Na Ngayon At Sa Garahe Na Lamang Daw Nakatira.

Totoo nga ang kasabihan na ang buhay ay parang gulong ng palad, minsan ay nasa ibabaw at di mo alam kung kailan pailalim, kung kaya’t habang nasa taas ay matuto tayong magpahalaga ng mga bagay para ito ay manatili sa ating buhay.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Isang halimbawa ang pangyayaring ito sa dating aktor na kamakailan lamang ang kanyang buhay ay naibahagi ng isang netizen sa social media.

Marami buhay ang nabago dahil sa pagiging artista, pero ang trabahong ito ay hindi permanente na pwedeng sa isang iglap ay mawala sayo. Maswerte ang mga artista na hanggang sa kanilang pagtanda ay matagumpay na naalagaan ang kanilang pangalan, subalit mayroon namang iba na hindi nagtagal sa industriya.

Ang dating child actor na ito ay si Herminio Alano o sikat sa tawag na “Boy Alano”. Sa kanyang pamamayagpag nakasama niya rin ang mga sikat na personalidad na sina Panchito Alba at Rene Requiestas.

Ano na nga ba ang tunay na estado ni Boy Alano ngayon? ayon sa pagbabahagi ng isang netizen?

Sinabi niya na kasalukuyan ngayong nakatira si Boy Alano sa isang garahe sa Barangay 398 sa Sampaloc, Manila. Ayon sa kaniyang post, sinabi ng netizen na nais lamang niyang ipaalam sa publiko ang kasalukuyang estado ni Boy Alano ngayon at nais niya ding makahingi ng tulong sa ilang mga artista na nakatrabaho nito noon nang siya ay nasa mundo pa ng industriya ng showbiz at nang siya ay sikat pa.

Si Alano ay gumanap sa ilang mga popular na teleserye at pelikula sa telebisyon noon. Siya nga din ay nagawaran bilang Best Child Actor sa 5th Asian Film fest noong 1958 dahil sa galing na pag-arte at galing na kaniyang pinamalas sa pagganap ng papel na kaniyang ginampanan sa pelikula na ‘The Day of the Trumpet.’

Naging Assistant Director din noon si Alano sa pelikula na pinamagatang ‘Chetae Gandang Lalaki’ kung saan ang actor na si Joey De Leon ang gumanap dito. Marami ding ginampanan na papel si Alano sa ilang pelikula na ginawa ng Sampaguita Pictures noong 1950 kagaya ng ‘Roberta’, ‘Anghel ng Pag-ibig’, ‘Rebecca’, ‘El Indio’, ‘Munting Koronel’, ‘Anak ng Espada’, ‘Maldita’, at iba pa.

“Tingnan mo nga naman ang buhay. Dati kang sikat at ngayon ay normal na tao na lang. Bilog talaga ang mundo. Kaya dapat pahalagahan ang opurtunidad na dumating para in the future ay maayos pa rin ang buhay.”pahayag ng ilang netizen.



Sikat Na Aktor Noon, Naghihirap Na Ngayon At Sa Garahe Na Lamang Daw Nakatira.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment