Gaano man kahirap ang ating pinagdaanan dapat ay maging positibo tayo sa bawat hamong dumarating sa ating buhay. Kaya kahit may kapansanan si tatang, nagsusumikap siyang magtinda upang kumita ng salapi at mai-ahon ang pamilya.
You May Also Read:
2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.
Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?
Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya
Subalit, kung mayroon ngang mabuti ay may mga tao namang masasama at mahilig manloko ng kapwa. Ito ang malungkot na sinapit ng isang Matandang PWD na tindero ng prutas matapos siyang bayaran ng isa palang pekeng P1,000.
Nagtitinda si tatang ng prutas sa San Jose Batangas, at sobrang nanghina ito ng madiskubreng ang natanggap na pera mula sa customer ay isa palang pekeng P1000 at bumili lamang ng saging na nasa P80.
Ipinost sa Facebook ng pamangkin ng PWD ang nangyari sa kanyang tiyo sa pagbabakasakaling maibalik ang pera.
Sa Facebook post ni Kristien Javina, bandang 11 ng umaga noong Febrero 7 nangyari ang ginawang panloloko sa kanyang tiyo.
Labis na nanlumo ang PWD sa nangyari dahil sa kabila ng kanyang sitwasyon ay ginagawa niya pa rin ang paglalako dahil may mga anak siyang binubuhay.
Bukod sa pagiging PWD ay isa na rin senior citizen ang tiyo ni Kristien. Kaya naman napaka delikado na nagtitinda pa rin ito ngayong may banta ng kalusugan sa buong mundo.
Samantala, sa dami ng nakakita sa post ni Kristien, marami rin ang nagpaabot ng tulong sa kanyang tiyo.
Ani Kristien, “Naiiyak po ako sa tuwa.. Di ko po inaasahan na may tutulong sa aking tiyo. Ipaabot ko po ang cash na pinadala nyo sa kanya paguwe ko ng bayan. Maraming salamat po sa mabuting puso nyo, Ibabalik po sa inyo yan ng Lord ng rumaragasang pagpapala.!”
PWD na, Senior Citizen pa na Tindero ng Prutas,Nanlumo Matapos Mabayaran ng Pekeng P1,000
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment