Kilalanin ang Pinakamatandang Babae Sa Buong Mundo Na Nanganak Sa Edad Na 72- Anyos!

Bilang mag-asawa, inaasahan ng lahat na magkaroon ng mga anak na silang lalong nagpapasaya sa isang tinatawag na pamilya. Ang pagiging isang magulang ay pagkakataong ipinagkaloob ng Panginoon na minsan lang natin mararanasan dito sa mundong ibabaw.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita.

Marami ang nag-aasam na maging isang magulang, pero alam natin na hindi lahat ay pinapalad. May mga nananalig pa ng taimtim at gumagawa ng mga orasyon para lamang matupad ang kanilang hiling.

Subalit, sa panahon ngayon na mayroon na tayong mga modernong teknolohiya at patuloy na pag-unlad ng siyensya at medisina, mayroon ng mga paraan ang naimbento upang magkaroon ng anak ang isang babae. Patunay na rito ang pinakamatandang babaeng nagsilang ng isang sanggol. Ito ang kwento nina Daljinder Kaur at ng kanyang asawa.

Halos 46 na taon ang kanilang hinintay upang magkaroon sila ng anak. Matagal-tagal rin iyon at kung tutuusin ay maaari kang mawalan ng pag-asawa lalo na kapag nag-menopause na ang babae. Ngunit dahil sa pag-unlad ng industriya ng medisina, natupad ang kanilang hiling na magkaroon ng anak kahit na 72 taong gulang na ang asawa ni Daljinder Kaur. Siya na ngayon ang pinakamatandang nanganak sa kasaysayan.

Sa pamamagitan ng “In Vitro Fertilization,” sumailalim sa isang operasyon ang asawa ni Kaur kung saan kinolekta ang semilya ni Kaur at ang egg cell ng kanyang asawa. Matapos ito, manual na inilagay ang semilya sa loob ng egg cell para mag-fertilize ito. Nang ito  ay ma fertilize na, ibinalik ito sa bahay-bata ng asawa ni Kaur para doon mamuo ang sanggol at nangyari nga.

Pero huwag kayong magdiwang pa, kakailanganin nyo ng malaking pera para maisagawa ang ganitong proseso. Nag-ipon ang mag-asawa para sa operasyong ito at matapos ang 2 taong pagtitiyaga, isinilang si Armaan, ang kanyang panganay na anak. 3 buwan lamang pinasuso si Armaan kung kaya’t hindi ito ganoon kabigat ngunit gayunpaman, pinakagwapo pa rin ang kanilang sanggol at nawa’y lumaking malusog at malayo sa sakit.

Ang buhay ay may kani-kaniyang phasing iyan, kung hindi mo pa oras, ang kailangan mo ay magtiyaga, matiyagang maghintay dahil balang araw, ang lahat ng hiling mo ay matutupad.



Kilalanin ang Pinakamatandang Babae Sa Buong Mundo Na Nanganak Sa Edad Na 72- Anyos!
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment