Isang Taga Leyte, Naging Milyonaryo dahil lamang sa Puno ng Agar o Lapnisan.

Kamakailan lamang ay nag trending ang isang usapin kung saan mayroon daw isang klase ng puno na matatagpuan sa liblib na lugar sa kagubatan ng Visayas at Mindanao na naging sikat at in-demand sa ibang bansa.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Marami daw ang naghahanap sa ganitong uri ng puno kahit mga dayuhan ay nag oorder online.

Mayroon kasing halaga ang katas na makukuha sa punong ito na kanilang tinatawag na “Liquid Gold” at ayon sa pagsusuri ay ibinibenta nila sa halagang P50,000-P300,000 bawat kilo.

Ang pangalan ng Puno ay tinatawag na Agar O mas kilala sa tawag na Lapnisan. May mga kababayang naging mayaman na daw dahil sa punong ito. Marami rin ang natulungan dahil sa pagbebenta nila ng uri nito.

Pinapaapuyan daw ang puno para makita raw kung ito ay mayroong magandang klase na langis.

Isang Lalaki ang Nagngangalang Bobby na tubong Leyte, Tinatayang P900,000 ang kinita niya sa pagbebenta niya ng halos dalawang bag ng lapnisan.

Ayon kay Bobby ang puno raw ng lapnisan at ang kaniyang pinagbentahan ay malaking tulong para sa kanyang pamilya.

Kung noon daw ay nakatira lamang sila sa maliit na kubo – ngayon daw ay nakapagpatayo na sila ng bahay na gawa sa semento.

Kwento pa niya marami na rin daw taga doon ang natulungan makaahon sa hirap ng lapnisan dahil sa talagang dinarayo daw ito ng mga dayuhan para bumili ng punong ito.

Naging isang mahalagang sangkap ang katas ng punong ito.  Ginagamit sa paggawa ng pabango, medicinal winé at insénso sa Thailand at Korea.

Tumutubo lang raw ang puno ng lapnisan sa mga liblib an kagubatan, malamig at matataas na lugar.

Matatagpuan rin ang punong ito sa mga bansa tulad ng Vietnam, China at Pilipinas. Ang punong ito ay tinatayang umaabot ng 10-12 feet.

Ngunit ayon sa DENR ang pagbebenta ng Punong ito ay ilegal dahil sa panahon ngayon ang ganitong puno ay endangerd na. Maging ang pagbebenta ng mga punla ng puno ng lapnisan ay may sinusunod ng regulasyon.



Isang Taga Leyte, Naging Milyonaryo dahil lamang sa Puno ng Agar o Lapnisan.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment