Ang buhay natin ay inihahambing sa isang marupok na sinulid, segundo lamang ay maaaring mawala ito sa atin sa di inaasahan nating paraan. Iisa lang ang buhay natin na pinagkaloob ng Panginoon kaya dapat ingatan at pakahalagahan.
You May Also Read:
Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.
Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita
Dapat bigyan natin ng tamang pahinga, sapat na tulog upang maiwasan ang pagkakasakit at mahulog sa malalang komplikasyon.
Sa isang Facebook post ng netizen na si Kaezia Torres, ibinahagi niya ang kanyang nakakatakot at hindi makakalimutang karanasan.
Pahayag ni Torres, habang sila ay nag-aayos ng madadalang pagkain papuntang sementeryo noong November 1, bigla na lamang kumirot ang kanyang dibdib at nahirapan siyang huminga.
Sinubukan umano ni Torres na uminom ng maraming tubig dahil hindi normal ang kanyang nararamdaman at tila dumidilim ang kanyang paningin.
Maya-maya ay namanhid na ang buong katawan ni Torres at hindi na ito makakapagsalita at makalakad.
Dinala sa ospital si Torres at sinabing over fatigue ang nangyari sa kanya.
Ayon kay Torres, siya ay puyat at walang tulog noong araw na yun. Uminom din siya ng energy drink sa pag-aakalang makakatulong ito sa kanya.
Sa huli ay pinayuhan ni Torres ang lahat na huwag iinom ng energy drink kapag pagod o puyat dahil hindi ito nakabubuti sa ating katawan.
Sa ngayon ay okay na ang pakiramdam ni Torres at meron siyang mensahe para sa lahat.
“Alagaan natin ang pangangatawan natin. Hindi pala porke’t bata pa kaya pa ang lahat. Better safe than sorry.”
Umabot na sa 9.5k reactions, 17k comments at 21k shares ang post ni Torres.
Narito ang kanyang buong kwento:
” Thank you God for saving me.
Please take time to read.
Akala ko talaga mamatay na ko or ma stroke na ako.
Bigla nalang kumirot yung dibdib ko while nag prepare kami ng food para sana dalin sa sementeryo. After kumirot, parang may bumara sa lalamunan ko na bigla nalang ako nahirapan huminga. So water ako ng water pero di na ako mapakali kase hindi na normal nararamdaman ko. Nagdidilim din yung side ng paningin ko
So pinakiramdaman ko pa hanggang sa bigla nalang namanhid mga paa ko hanggang pati kamay at mukah ko. Pati loob ng bibig ko (buong katawan) hindi ako makapag salita pinipilit ko magsalita hanggang sa namutla nadin ako at sobrang wala ng maramdamn kundi hirap ng paghinga. parang bigla nalang akong naging matanda na mabagl magsalita at maglakad iyak na ako ng iyak sa takot na baka na stroke na ko
Nag padala ako sa ospital. Hindi parin ako makatayo hindi ko parin maramdaman mga paa, kamay, Braso pati mukah at dila ko. As in sobrang bagal ko magsalita.
Nung nasa E.R na kami. May interview pa then ayun hirap padin ako magsalita. Hanggang sa ECG nila ako. Tapos normal daw yung result. Ang sabi over fatigue / weakness daw yung nangyari sakin. Then sumobra yung acid kaya humarang na sa hingahan ko dahil sabi ko nga burp ako ng burp bago mamanhid buong katawan ko. . (Ewan ko Basta parang ganun) Sobrang need ko na daw magpahinga.
Dahil bago mangyare toh. Wala pa talaga akong tulog tapos namalengke kami. Pag uwi namin, nag hilamos ako and naisip ko bumili ng energy drink kase nga dami gagawin eh puyat ako so inisip ko lalakas ako pag uminom ako nun. then ayan na nga nangyari.
Please everyone! Do not drink energy drink! Hindi daw talaga maganda uminom ng any kind of energy drink kapag puyat or pagod. Hindi totoo na pag uminom ka ng ganun while sobrang pagod ka bigla ka nalang lalakas or mawawala ang antok mo. NO! Pwede ka pa pa deads or mag cause ng serious na sakit
Okay na ako. Pero medyo nakakaramdam parin ako ng pagmamanhid sa braso at paa. Pahinga nalang.
Shinare ko lang po naranasan ko para hindi na mangyare sa iba.
Alagaan natin ang pangangatawan natin. Hindi pala porke’t bata pa kaya pa ang lahat. Better safe than sorry.”
Babae, Nagbabala sa mga Laging Nagpupuyat at Umiinom ng Energy Drink, Baka Matulad kayo sa Kanya.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment