Amerikano, Pinatayuan ng Bahay ang Pamilyang Kumupkop sa Kanya Matapos ma-stranded sa Pilipinas.

Nang tumama ang pandemya sa bansa noong nakaraang taon, biglang nag anunsyo ang pamahalaan na striktong pagpapatupad ng lockdown sa bansa bilang isang solusyon upang maiwasan ang pagkalat nito.

Sa nangyaring lockdown marami ang na stranded sa iba’t-ibang lugar at kabilang na nga rito ang isang amerikano, na stranded siya noong March 16, 2020.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Kinilala ang amerikano na si Dustin Borglin, 36, mula sa Michigan USA, at isa palang vlogger.

Taong 2016 noong unang bumisita si Dustin sa Cebu City at talaga namang nagustuhan niya ang ating bansa dahil sa mga magagandang tanawin at mabubuting ugali ng mga Pilipino. Kaya naman bumalik ulit siya noong Marso ng taong yun.

Ngunit dahil sa pandemya, na-stranded si Dustin sa Toledo City at kinakailangan muna niyang manatili sa ating bansa. Ngunit imbes na mamoblema, mas ginusto ni Dustin ang tumulong sa ating mga kababayan.

Ang mag-asawang sina Raymund at Reche Adoptante ang nagpatuloy sa kanilang tahanan kay Dustin.

Unang nagkakilala sina Dustin at Raymund noong bumisita ang foreigner sa Pilipinas taong 2016. Naging magkaibigan sila noon dahil sa paglalaro ng basketball.

Madaling natuto si Dustin sa kultura ng mga Pilipino. Natuto rin siyang magluto ng iba’t ibang Filipino dishes. Naging maganda rin ang pakikisama ng mag-asawa sa kanya.

Bilang pasasalamat, niregaluhan ni Dustin sina Raymund at Reche ng bahay.

Amerikanong Vlogger, Pinagawan ng Bahay ang Pamilyang Kumupkop sa Kanya | Filipino Guide

“They’re like my family. I’ve known them for almost three years now, and they’ve just been so kind to me,” sabi ni Dustin.

Masayang masaya raw si Raymund sa natanggap niyang regalo mula sa kaibigan. Hinding hindi raw niya ito makakalimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

Amerikanong Vlogger, Pinagawan ng Bahay ang Pamilyang Kumupkop sa Kanya | Filipino Guide

Ayon kay Dustin, alam niya raw kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya. Kaya naman gumawa rin siya ng paraan upang matulungan ang iba pang pamilya.

Isang pamilya rin ang pinagawan ni Dustin ng palikuran dahil nalaman niyang sa kakahuyan lamang dumudumi ang mga ito.

Amerikanong Vlogger, Pinagawan ng Bahay ang Pamilyang Kumupkop sa Kanya | Filipino Guide

Ginagamit ni Dustin ang kanyang kinikita sa pagvlo-vlog upang tumulong sa ating mga kababayan.

Naging panatag din ang pamilya ni Dustin sa Michigan ng malaman nilang nasa mabuting kalagayang ang vlogger.



Amerikano, Pinatayuan ng Bahay ang Pamilyang Kumupkop sa Kanya Matapos ma-stranded sa Pilipinas.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment