Kung sa iyo kaya mangyari ang ganitong sitwasyon na malaman mong hindi pala tunay mong anak ang katabi mo at inaalagaan sa araw-araw, ano nag posibleng magagawa mo?
Ito po ang nangyari sa mag-asawang sina Aphril at Marvin. Sa ginawang tulong ng programa ng GMA na Kapuso Mo Jessica Soho, nagsagawa ng DNA test sa bata at nakumpirmang hindi nila anak ang nasa kanilang pangangalaga at napalitan sa ospital.
You May Also Read:
Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
Ang kaganapang ito ay biglang nag trending sa social media at tinututukan ng mga netizen sa pangambang posible rin itong mangyari sa kanila.
Kwento ng mag-asawa, nakita umano nila ang kanilang baby boy pagkasilang na pagkasilang nito.
Kaya naman laking gulat nila nang makitang marami ang pagkakaiba ng sanggol na tuluyang ibinigay sa kanila. Maging ang tiya ni Aphril ay napansin din ang mga pagkakaiba sa itsura ng sanggol kaya naman lalo silang naghinala. Umamin na rin ang isang nurse sa ospital na may nahulugan umano ng baby tag na tila tumugma naman sa isang napansin nina April na iba ang impormasyon ng tag ng sanggol na nasa kanila.
Kaya naman para makasiguro, nagpa-DNA sina Aphril at hawak nilang sanggol. Sa tulong ng Kapuso mo, Jessica Soho, mas napabilis ang resulta ng ikalawang DNA test kung saan lumabas na negatibo at hindi nga anak nina Aphril at Marvin ang inaalagaan nilang sanggol.
Samantala, nakusap naman na nila ang sinasabing nakapalitan nila ng sanggol. Handa naman daw itong makipagtulungan subalit pakiusap ng mga ito na hintayin pa rin ang resulta ng unang DNA upang makumpirma kung negatibo pa rin ang lalabas.
Siniguro naman ng mga ito na nasa maayos na pangangalaga ang sanggol na sinasabing anak nina Aphril at Marvin. Kumonsulta na rin ang mag-asawa sa kung ano ang maaring pananagutan ng ospital sa nangyaring ito.
Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon. Umaasa ngayon ang marami na sa tulong pa rin ng nasabing programa ay makukuha na nina Aphril at Marvin ang kanilang tunay na anak.
Sanggol, Nakumpirmang Napalitan sa Ospital ng Lumabas ang Resulta ng DNA Test.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment