PWD na Food Panda Rider, Patuloy ang Pagsisikap sa Kabila ng Kondisyon at Banta ng Pandemya.

Sa inyong makikitang larawan, masasabi mong walang rason para maging tamad at maging dependent sa ibang tao. Dahil sa kanyang kalagayan, nakayanan niya ang hirap para lang may maipakain sa kanyang pamilya.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Isang larawan ng delivery man kung saan masisilayang iisa lamang ang binti nito at nakasaklay na siyang nagsisilbing kanyang mga paa, pero patuloy sa paghahanapbuhay at hindi umaasa sa iba.

Hinangaan naman ng mga netizen ang kanyang pinamalas na dedikasyon at sipag. Ito ay kuha ni netizen Reindon Liao sa Cebu City. Aniya, naantig siya sa ipinakitang sipag at tiyaga ng rider at nagbigay ito ng inspirasyon sa kanya.

Saad sa kanyang post, madalas umano siyang magreklamo sa kanyang trabaho at naging inspirasyon ang rider upang ma-appreciate niya ang kanyang trabaho.

“Sometimes, I complain about how hard my job is but seeing kuya who works from foodpanda earlier was a big slap to me. Despite of his condition he’s still able to get the job done! I salute people like you and thank you for making my day. A great motivation though. Kodus to you kuya please keep inspiring others.”

Kahanga-hanga naman ang pagsisikap ng rider dahil sa kabila ng kondisyon nito at banta ng COVID-19 ay patuloy itong nagsisikap sa buhay.

Nangangahulugan lamang na hindi hadlang ang kanyang kapansanan sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanyang trabaho at pinakita niyang kahit may kulang sa kanyang pisikal na kaanyuan, di ito hadlang upang ibigay ang pangangailangan ng kanyang mga mahal sa buhay.



PWD na Food Panda Rider, Patuloy ang Pagsisikap sa Kabila ng Kondisyon at Banta ng Pandemya.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment